MATAPOBRENG AMO, TIRA-TIRANG PAGKAIN ANG IPINAPAKAIN SA KANYANG KATULONGDI DAW ITO BAGAY KUMAIN…
.
.
Part 1: Ang Simula ng Laban
Sa isang liblib na baryo sa Occidental Mindoro, doon lumaki si Adel, ang panganay sa pitong magkakapatid. Sa murang edad na 16, ramdam na niya ang bigat ng responsibilidad na hindi man lamang naranasan ng karamihan sa kanyang kaedad. Ang kanilang bahay ay gawa sa lumang kahoy, ang bubong ay mga yero na butas-butas, at ang sahig ay kawayan na minsang may lumulusot na malamig na hangin tuwing gabi.
Ang kanyang ama, si Mang Larry, ay isang magsasakang nakikisaka lamang sa lupa ng mayamang Lopez sa kabilang baryo. Kapag tag-init, basag ang lupa sa tindi ng sikat ng araw, at kapag tag-ulan naman, nilulunod ng bahayan. Walang katiyakan sa kita, at ang kanyang ina, si Aling Laura, ay nagtitinda ng gulay sa palengke, ngunit halos wala ring tubo sa sobrang baba ng presyo. Sa dami nilang magkakapatid, madalas ginugulpi sila ng gutom.
Si Adel ay sanay nang magpanggap na busog habang pinapanood ang mga kapatid na sabik na kumain ng kaunting kanin at asin. Sa bawat gabing ganito, humihigpit ang kanyang dibdib, hindi dahil sa gutom, kundi dahil sa pagnanais niyang makatulong. Isang hapon, habang nag-aayos siya ng mga gulay sa harap ng kanilang bahay, dumating si Aling Mercy, ang kapitbahay nilang matagal nang kaibigan ng pamilya.
“Adel,” bungad ng matanda. “May pagkakataon ka? May kakilala ang anak ko sa Maynila na naghahanap ng katulong. All around raw ang sweldo. Hindi nga lang libre ang pagkain.”
Napa-corrupt si Adel. Para sa kanila, ang laki-laki na noon. Pero naisip rin niya, paano siyang mabubuhay sa Maynila kung hindi libre ang pagkain? Bakit ganoon ang kondisyon? Nang mapatingin siya sa pagod na mukha ng kanyang ina at payat na katawan ng kanyang ama na tila lumalala ang pag-ubo, biglang naging malinaw sa kanya ang sagot. “Kung mananatili ako rito,” bulong niya sa sarili, “sabay-sabay kaming mamamatay sa gutom.”

Gabi bago ang kanyang pag-alis, nagtipon silang pamilya. Walang handa, walang espesyal na pagkain. Tanging yakap at luha lamang. Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang mga kamay. “Anak, huwag kang panghinaan ng loob ha. Kung saan ka dalhin ng Diyos, basta’t maging mabuti ka.” Ang kanyang ama naman, sa kabila ng hirap, ay nagawang ngumiti. “Pagbutihan mo roon, anak ha. Hindi masama ang maghangad ng mas magandang buhay.”
Pag-alis niya kinabukasan, halos mapatid ang hininga niya sa pag-iyak. Habang tumatalbog ang sinasakyan nilang Jeep, pigil-pigil niya ang kanyang luha. Pero sa bawat kilometro palayo sa probinsya, parang bawat piraso ng puso niya ay nalalaglag sa likuran. Ngunit sa ilalim ng lungkot ay may umuusbong na matatag na pangarap.
Maaga silang nakarating ni Aling Mercy sa Maynila. Mabilis ang usad ng mga sasakyan, malakas ang busina, at tila walang oras na maghintay ang lahat ng tao. Si Adel, bagaman kinakabahan, ay pinipilit lakasan ang kanyang loob. Napahawak siya sa lumang bag na puno ng damit, mga lumang panyo, at isang litrato ng pamilya niya. Tanging ala-ala na maaari niyang sandalan sa bawat gabing mag-isa siya.
Mukhang malapit na sila. Sabi ni Aling Mercy habang tinitignan ang address sa papel. Napalunok si Adel habang lumalapit sila sa gate ng malaking bahay. Napakalaki ng pintuan. Mataas ang pader at halata ang yaman sa disenyo. Hindi niya akalaing mapupunta siya sa ganitong uri ng tahanan.
Pagbukas ng gate, sinalubong sila ng malamig na hangin mula sa aircon na tumatagos kahit sa labas. Ngunit bago pa man niya maramdaman ang kaunting ginhawa, lumabas si Mrs. Veronica Tvez. Nakataas ang kilay, nakasuksok ang kamay sa bewang, at tila hindi natuwa sa pagdating nila. “Ito ba ang sinasabi mo?” malamig na tanong ni Veronica kay Aling Mercy.
“Opo ma’am. Si Adel po, masipag po ‘yan at marespeto.” Hindi na pinatapos pa ni Veronica ang matanda. “Sige, tignan na lang natin.” Tinapunan niya ng tingin si Adel mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri kung may halaga ba ang kaharap niya. “Ang payat, ang itim. Mukhang hindi sanay sa trabaho.” Sarkastikong sabi nito habang umiiwas ng tingin. Napayuko si Adel. Ramdam niya ang pagsisimula ng pagyapak sa dignidad niya pero tiniis niya ito. Kailangan niya ng trabahong ito.
“Het ang mga rules,” matigas na sabi ni Veronica. “5:00 ay dapat gising ka na. Ikaw ang magluluto ng almusal. Magpapakain sa mga aso. Maglilinis ng buong bahay. Maglalaba, mamamlantya. Magluluto ng tanghalian at hapunan. At hangga’t hindi kami umuuwi, hindi ka pwedeng matulog. Wala akong pakialam kung pagod ka.”
Part 2: Ang Pagbangon ni Adel
Bawal mo ring galawin ang kahit na anong pagkain dito. Lahat ng nasa ref. Kumain ka kung ibinigay ko. Malinaw ba? Napakagat-labi si Adel at mahina ngunit malinaw na tumango. “Opo ma’am.” “Libre ka naman tumira dito. Tubig, kuryente, siguro naman ay malaking kaluwagan na yun para sa’yo.” Paulit-ulit ang mga salitang iyon sa isip ni Adel pero nagtimpi siya. Hindi panahon para sumagot.
Matapos ang maikling usapan, nagpaalam si Aling Mercy. “Ate, mag-ingat ka ha. Palitaan mo na lang ako kapag pwede.” “Huwag na kayong magpatagal pa dito,” sabi ni Veronica. At sa isang iklap, mag-isa na si Adel sa harap ni Veronica. Hawak ang bag at may bigat sa kanyang dibdib. Itinuro ng amo ang maliit na kwarto sa likod ng kusina. Sira-sira ang bintana, maingay ang lumang electric fan, at may amoy na nakasanayan ng matagal na hindi nalilinis.
Pero para kay Adel, ito ay simula. Simula ng hirap, simula ng sakripisyo, at simula ng pangarap. Habang nakahiga siya sa matigas na kama o kahoy na halos hindi magkasya sa katawan niya, tahimik siyang nagdasal. “Diyos ko, sana’yin ko po.”
Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa maging buwan. Unti-unting nasanay si Adel sa mabibigat na trabaho. Ngunit kahit araw-araw niyang inuulit ang parehong gawain, hindi siya kailanman nasanay sa kasungitan at pagmamalupit ni Mrs. Veronica. Bawat umaga bago pa man sumikat ang araw ay gising na si Adel. Niluluto niya ang almusal habang nanginginig ang kamay sa lamig at antok. Pagkatapos, mabilis niyang pinapakain ang mga aso dahil kapag tumahol ang mga iyon ng matagal, nasisigawan siya ng kanyang amo.
“Napakatamad mo. Ano bang ginagawa mo ha? Ang dumi. Para kang walang pinag-aralan. Ba’t ito hindi mo magawa ng maayos?” Mga salitang paulit-ulit na parang martilyo sa tenga ni Adel. Madalas siyang hindi nakakakain kapag may okasyon o may bisita, lamang siya nabibigyan ng tira-tirang pagkain. Kung minsan, isang beses lamang siya nakakakain sa buong araw. Ang tiyan niya ay sanay na sa pag-aalburoto.
Ngunit mas masakit pa ring tanggapin na bawal kahit simpleng tinapay sa ref ng kanyang amo. Kapag may natirang pagkain si Veronica sa plato, palihim niya itong inuubos para hindi masayang. Hindi dahil sa patay gutom siya kundi dahil kailangan niyang magtipid. Ang kaunting pera na natatabi niya bawat sahod ay agad niyang pinapadala sa probinsya.
Tuwing gabi, kapag tapos na ang mga gawaing bahay, doon pa lamang siya nakakahanap ng pagkakataong tumawag sa kanyang pamilya. Ngunit dahil madalas walang load ang cellphone niya, umaasa siya sa pakiusap sa kapitbahay nilang si Aling Tesa sa probinsya. Ito ang tumatawag kay Adel tuwing gabi mula sa sariling cellphone nito. Doon ay naibabalita sa kanya ang mga nangyayari sa probinsya. “Adel,” sabi ng ina niya, halos mabulong. “Palala na ng palala ang ubo ng tatay mo. Nadiagnose ang may pneumonia. Mahina ang katawan niya anak. Hindi ko na alam kung hanggang kailan.”
Napahawak sa dibdib si Adel. Pilit na itinatago ang hikbi dahil baka marinig siya ni Veronica. “Nay, mag-iipon po ako. Pangako po.” Sa mga sumunod na linggo, dumoble ang pag-iingat niya sa gastos. Hindi na siya bumibili ng kahit na ano para sa kanyang sarili. Kahit sabog ang katawan sa pagod, tumitindig pa rin siya. Gumagawa, naglilinis, at lumulunok ng gutom.
Isang araw, inutusan siya ni Veronica na mag-general cleaning. Buong araw siyang nakayuko, nagkukuskos ng sahig, nililinisan ang bintana, nag-aayos ng cabinet, nagtatapon ng basura, naglalaba, at nagluluto. 10:00 na ng gabi nang makahinga siya. Nanlata ang tuhod niya. Nanginginig ang kamay at halos hindi na siya makatayo sa sobrang pagod. Ngunit nang sumilip siya sa repitang may iniwang kaunting gulay, nagpigil siya sapagkat bawal niya itong kainin.
“Konting tiis pa,” bulong niya. Pero ang totoo, hindi na konti. Anim na buwan na. Anim na buwan na halos wala siyang kain ng maayos, walang pahinga o walang pagtrato bilang tao. Sa kanyang kwarto na amoy amag, nakaupo siya sa malamig na sahig at napaluha. Hindi niya alam kung gaano pa katagal, pero ang alam niya, kailangan niyang manatili, hindi para sa sarili kundi para sa kanyang pamilya. Para sa pangarap, para sa ama, at para sa pag-asa.
Gabi na at halos hindi na makatayo si Adel pagkatapos ng buong araw ng general cleaning. Sumasakit ang likod niya. Nanginginig ang binti at tuyo na ang lalamunan. Mula 5 ng umaga, hindi pa siya nakakakain kahit isang pirasong tinapay. Pagdating ni Mrs. Veronica galing opisina, agad niyang ipinagluto ito ng hapunan. Amoy na amoy ni Adel ang ginisang garlic butter chicken. Paborito ito ng kanyang amo. Habang hinahalo niya ang sarsa, mas lalo pang sumisikaw ang tiyan niyang matagal ng walang laman. “Kailangan ko ng tiisin para kay tatay,” paulit-ulit niyang iniisip.
Habang iniin niya ang pagkain, pinilit niyang ngumiti. Pero hindi man lamang siya tinignan ni Veronica. Tumango lang ito saglit. Nag-cellphone habang kumakain at walang anumang salitang lumabas maliban sa iritableng pag-ubo at malaswang pagnguya. Pagkalipas ng ilang minuto, umalis si Veronica sa dining area at nagtungo sa kwarto nito. Hindi man lamang niya tinawag si Adel para ipaligpit ang pagkain. Hindi rin sinabi kung tapos na siya o hindi. Basta’t umalis na lamang ito.
Nagtakaman si Adel, nagpatuloy siya sa paglalabas sa laundry area ngunit hindi na niya kayang patayin ang gutom na bumibiyak sa tiyan niya. Para siyang hinihila ng kusina. Hindi niya balak kumuha ng pagkain. Iinom lang sana siya ng tubig. Pagdating niya sa dining area, nakita niyang halos kalahati pa ang pagkain ni Veronica. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Masakit. Umaalab. Gusto niyang sumuka. Gusto niyang kumain pero wala siyang lakas.
Mabilis siyang nag-isip. Tira lang naman ‘to. Sayang naman kung itatapon. Pinagpawisan siya ng malamig, kinilabutan at kinabahan. Pero ang gutom ay parang mabangis na hayop na sumusugod sa kaluluwa niya. Dahil sa matinding pagkahilo at kutom, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili. Kinuha niya ang kutsara. Isang subo, isang kagat ng kanin at manok. Hindi pa niya nalulunok ang pangalawang subo nang biglang bumukas ang ilaw sa itaas ng hagdan.
Dahil doon ay halos matumba si Adel sa gulat. Anong ginagawa mo? Nanginginig na napalingon si Adel. Naroon si Veronica. Galit na galit. Nanlilisik ang mga mata. “Ma’am, ma’am, pasensya na po. Gutom lang po talaga ako.” “Gutom? Eh ‘di bumili ka ng pagkain mo. Bakit mo kinakalkal ang pagkain ko? Ganyan ba ang itinuro sa’yo? Patay gutom ka. Bawat salita ay parang sampal sa mukha ni Adel. Ang kapal ng mukha mo. Nakakahiya ka. Ang mga katulad mong mahihirap, wala talagang mga modo.”
Hindi makapagsalita si Adel. Hindi siya makagalaw. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o luluhod sa kahihiyan. “Para kang hayop. Para kang walang pinag-aralan.” Sa sobrang lakas ng boses ni Veronica, umalingawngaw iyon sa buong bahay. Parang sinaksak ang puso ni Adel. Hindi dahil sa gutom kundi dahil sa pagkawasak ng natitira niyang dignidad. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kutsara. Hindi na siya nagmakaawa. Hindi niya na ipinagtanggol ang kanyang sarili sapagkat wala na siyang natitirang lakas. Tumalikod siya at halos hindi makahinga sa sakit. Pumasok sa kanyang maliit na kwarto at doon siya bumulagta, umiyak, humikbi at inubo sa pagod.
Sa gabing iyon, hindi lang ang tiyan niya ang gutom, pati na rin ang puso niya. Hanggang sa pinakailalim ay basag, durog at nagdurugo. Pagkatapos ng gabing pinahiya siya ni Mrs. Veronica sa simpleng pagkain na tira, naramdaman ni Adel na may kung anong nabasag sa loob niya. Hindi lang iyon gutom o pagod kundi dignidad niya na araw-araw niyang pilit na pinanghahawakan. Ngunit kinain niya ang luha dahil sa bawat araw ng pagpapakatatag. Katumbas naman nito ay ilang pisong ipapadala niya sa kanyang pamilya para sa panggamot sa kanyang amang may pneumonia.
Lumipas ang ilang araw, mas lalo pang tumindi ang pang-aabuso ni Veronica. Para bang naging libangan nito ang paghanap ng mali kay Adel? “Bakit may alikabok pa dito?” sigaw niya kahit malinaw na malinis ang mesa. “Bumabagal ka na naman. Ano ka ba? Ang hina-hina mo. Ang bagal-bagal mo. At huwag mong sasayangin ang tubig ah. Hindi ka mayaman.” Para siyang inaamong hayop. Minsan hindi siya pinapayagang kumain buong araw dahil lang nabasa niya ang sahig na kakatapos lamang linisin. Ngunit tinitiis niya ang mga ito araw-araw, gabi-gabi dahil ang nasa isip niya ay ang kanyang amang nakaratay at ang mga kapatid niyang nakatingin sa kanya bilang pag-asa.
Hanggang sa dumating ang araw na pinakamabigat na pagsubok sa loob ng bahay ng kanyang amo. Isang hapon, habang ipinapaliwanag niya na hindi siya nakapamalengke ng maaga dahil inabutan siya ng biglaang buhos ng ulan, bigla siya nitong sinampal. Malakas, hindi niya inaasahan. Punong-puno ito ng galit. “Huwag mo akong sinasagot-sagot ha,” sigaw nito. “Kasambahay ka lang. Hindi ka pwedeng magpaliwanag.”
Para umikot ang mundo ni Adel. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makagalaw. Umiiyak siya ngunit tahimik sapagkat kung magsasalita siya mas lalaki pa ang gulo. “Naintindihan mo ba? Wala kang karapatang sumagot?” Muling sigaw ni Veronica. Tumango na lamang si Adel pero sa loob-loob niya, doon na ang unang bitak ng pag-alis.
Kinagabihan, habang naglalaba, tumawag si Aling Laura, ang kanyang ina. Humahagulgol ito. “Anak, lumalala na ang lagay ng tatay mo. Hindi namin alam kung saan kukuhaan ng pera para sa gamot.” Doon tuluyang bumigay ang puso ni Adel. Humapang ang luha sa kanyang mukha habang sinasabi niyang, “Nay, magpapadala po ako. Huwag po kayong mag-alala.” Pero sa sarili niya, ramdam niyang hindi na kaya ng kanyang katawan at isip ang patuloy na pagpapahirap sa kanya ni Veronica.
Kinabukasan, habang nasa loob siya ng kwarto na halos kasing liit lamang ng banyo, narinig niya ang sigaw ni Veronica. “Adel, bilisan mo at ang dami mo pang hindi nagagawa. Hindi ka pwedeng magkasakit ha. Malulugi ako sa’yo.” At doon niya naramdaman ang isang mahigpit na kirot, hindi sa katawan kundi sa kanyang pagkatao. Hindi na ito simpleng trabaho. Ito ay pagyurak na sa kanyang pagkatao.
Huminga siya ng malalim. Bumaba siya ng hagdan. Hindi nagdalawang isip na lumapit kay Veronica. “Ma’am, pasensya na po pero kailangan ko na pong umalis.” Mahina ngunit matatag niyang sabi. Napalingon si Veronica, agad na sumingkit ang mga mata nito. “Ano? Aalis ka? Aba, ang kapal din naman ng mukha mo no? Sino sa tingin mo ang tatanggap sa’yo? Wala kang alam. Dito ka lang bagay.”
Pero ngayong gabi, hindi na natakot si Adel. “Ma’am, hindi ko na po kaya,” sagot niya nang hindi umiiyak. “At kailangan na po ako ng pamilya ko.” Humagalpak sa tawa si Veronica. “Sige, umalis ka. Tignan natin kung saan ka pupulutin.” At sa unang pagkakataon, tumalikod si Adel ng hindi nakayuko. Tinupi niya ang dalawang pirasong damit niyang pag-aari. Isinilit sa lumang bag at lumabas sa bahay na minsang naging kulungan.
Pagbukas niya ng gate, huminga siya ng malalim dahil sa wakas, nakalabas na siya mula sa impyerno. Oo, wala siyang pera, wala siyang kasiguraduhan, wala siyang mapupuntahan. Pero hawak niya ang pinakamahalaga: pagiging buo muli sa sarili niyang dangal. At doon nagsimula ang tunay na pagbagsak at muling pag-angat ni Adel.
Pagkalabas ni Adel sa bahay ni Mrs. Veronica, pakiramdam niya ay para siyang batang iniwan sa gitna ng siyudad. Takot na takot, walang direksyon, walang pera at pagod na pagod. Niyakap niya ang lumang bag na naglalaman lamang ng dalawang damit, panyo at ang lumang cellphone na halos hindi na sumasagap ng signal. Gusto na sana niyang umiyak pero pinigil niya ang kanyang sarili. Sa halip, naglakad siya sa kalsada, bitbit ang lahat ng bigat na kanyang naranasan.
“Bahala na,” bulong niya sa hangin. Ang isang oras na lakad ay parang isang taon. Walang tumigil na jeep para sa kanya. Hindi dahil sa ayaw, kundi dahil wala siya kahit piso. At sa bawat pagdaan niya sa mga naglalakad na tao, parang lalo siyang nanliliit. Hanggang sa hindi inasang pagkakataon. Nakita siya ni Aling Mercy. “Adel, diyos ko! Bakit ka nandito? Bakit ang itsura mo ganyan?” Mabilis na tanong nito. Halatang nag-aalala.
Hindi na nakapagsalita si Adel. Nanginginig ang labi niya. At doon bumuhos ang mga luha. “Aling Mercy, umalis na po ako sa amo ko. Hindi ko na po kaya,” humagulgol niyang sabi. Kinabig siya ni Aling Mercy. Parang sariling apo. “Iha, hali ka na. Sumama ka sa akin. Hindi kita hahayaang mapahamak.” Dinala siya ni Aling Mercy sa bahay ng anak nitong si L. Isang tahimik na apartment na may halaman sa gilid at may amoy na hindi makamandag kung hindi amoy tahanan.
Pagsilip pa lamang nilo sa pinto, agad itong lumapit at ni Adel. “Nay, siya ba yung sinabi mong talikita?” “Diyos ko, ang payat mo anak. Halika, pasok ka. Halika, kumain ka muna ha.” At doon sa unang pagkakataon sa maraming buwan, may mainit na pagkain sa harapan niya. Hindi tira, hindi palihim, hindi nakakahiya. Mas lalo siyang napaiyak, hindi dahil sa pagkain o hindi dahil sa pakiramdam na may taong nagmamalasakit sa kanya ng walang hinihinging kapalit.
Kinabukasan, kinausap siya ni L at Aling Mercy. “Adel,” sabi ni L. “May kaibigan ako na naghahanap ng kasambahay. Maliit lang ang pamilya, mag-asawa at isang batang babae. Mabait sila, malinis at higit sa lahat ay makatao.” “Pero iha,” dagdag niya. “Kung ayaw mo na munang magtrabaho, pwede ka naman dito. Tutulungan ka namin ni Inay. Hindi ka namin pababayaan.”
Napayuko si Adel, nanginginig ang boses. “Ate L, Aling Mercy, maraming salamat po. Pero kailangan ko pong magtrabaho. Kailangan po ng pamilya ko. Lalo na po si Itay. Nagkatinginan ng mag-ina saka tumango. “Kung ganon,” sabi ni Luy, “tutulungan ka namin. Bukas pupunta tayo sa kaibigan ko ha. Hindi ka nila hahamakin at kapag okay na ang lahat, baka pwede kitang ipasok sa night class.”
Napatingin si Adel na bigla po. “Makakapag-aral pa po ako?” Ngumiti si L. “Oo naman, bata ka pa. Marami ka pang pwedeng marating.” Parang may ilaw na biglang sumindi sa loob ng dibdib ni Adel. Matagal na panahon na napatay ang pag-asang iyon lalo na’t hindi niya natapos ang senior high dahil sa sobrang kahirapan. Pero ngayon, parang may bagong pintuang nagbubukas. Isang pintuang hindi nakakadena, hindi madilim. Hindi nakakatakot kung hindi puno ng pag-asa.
Kinagabihan, nakahiga si Adel sa maayos na higaan. May malinis na kumot at malamig na hangin mula sa bentilador. Hindi na siya natutulog sa sulok ng kusina. Tahimik siyang nanalangin. “Panginoon, maraming salamat po. Sana dito na po magsimula ang tunay na buhay ko.” At bago siya tuluyang makatulog, huling pumasok sa isip niya ang salitang matagal na niyang hindi nararamdaman. “Ligtas na ako.”
Sa bagong pamilyang kumupkop sa kanya, unti-unti ng nabobuo si Adel. Hindi bilang alipin ng mapang abusong amo, kundi bilang isang taong may dignidad, may pangarap at may bagong pag-asa. Habang unti-unting bumabangon si Adel sa bagong tahanang kumukop sa kanya, kabaliktaran naman ang nangyayari sa dating amo niyang si Mrs. Veronica.
Pagkaraan ng pag-alis ni Adel, dalawang kasambahay kaagad ang pumasok niya. Ngunit gaya ng inaasahan, tumagal lamang ang mga iyon ng dalawa hanggang tatlong linggo. Araw-araw na sinisigawan, iniinsulto at minamalit. Hindi kinakaya ng kahit sinong pumapasok sa bahay na iyon ang sama ng ugali ng kanilang amo. Hanggang sa dumating ang isang bagong kasambahay, si Maris, tahimik, payat at halatang galing sa malayong probinsya.
Una’y masunurin at mahiyain. At dahil doon, natuwa si Veronica. “Yan ang gusto ko.” Hindi pala sagot. Sabi niya habang tinitignan si Maris na para bang gamit at hindi tao. Ngunit ang hindi alam ni Veronica na hindi siya hinahangaan ni Maris. Tiniti siya nito pero sa loob-loob niya, nag-iipon ito ng galit. Nakikita niya kung papaanong magmaltrato si Veronica hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa asawa at anak nito.
Isang gabi habang nag-aanda si Maris ng hapunan, pumasok si Veronica sa kusina at sinampal siya dahil lamang sa hindi pantay na hiwa ng gulay. “Nag-aral ka ba? Ha? Mukha ka kasing mangmang eh,” bulyaw niya. Hindi naman sumagot si Maris ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay may pumuputok na puot at doon nagsimulang mabuo ang pinakakatakot na plano. Isang linggo ang lumipas. Tahimik lamang ang bahay.
Padating na si Veronica mula sa opisina at gaya ng nakasanayan, sumigaw kaagad ito mula sa pinto. “Maris, nasaan ka na? Gutom na ako. Bilisan mo nga ang pagkakahain.” Agad namang lumabas si Maris mula sa kusina. May hawak na mangkok ng mainit na sabaw. “Ma’am, eto na po.” Ngunit sa loob ng sabaw ay mayroon palang nakahalo. Hindi lason na kaagad papatay kundi pulbos mula sa Dorian Seed extract. Nalabis na nakakalason kapag hindi luto ng tama. Minsan na niya itong na-encounter sa probinsya. Isang maling ginagamit ng mga nagpapakamatay.
Inalapag niya ito ng dahan-dahan sa harap ni Veronica. “Ma’am, para po sa inyo, masarap po yan.” Umumisi si Veronica. Hindi aware sa panganib. “At least ngayon natututo ka ng maayos,” sabi nito bago sinubo ang unang kutsara. Kasunod noon ay ang mabilis na pagkahinto niya sa pagnguya. “Ah, anong anong nilagay mo dito? Bakit mapait?”
Hindi sumagot si Maris. Nakatayo lamang siya. Malamig ang mga mata. Biglang nagsimulang sumakit ang lalamunan ni Veronica. Kumirot ang sikmura, umikot ang paningin. “Maris, anong ginawa mo?” Ngunit bago pa man makagawa ng masama si Maris, biglang dumating ang anak ni Veronica na si Rika. Narinig niya ang pagsigaw ng ina at agad siyang tumawag ng ambulansya.
Nang magtangka si Maris na tumakas, naabutan siya ng mga security personnel ng subdivision at doon ay pumutok ang katotohanan. Muntika ng mamatay sa lason si Veronica ng sarili niyang kasambahay dahil sa kalupitan nito, pang-aabuso at marami pang iba. Naging mabilis ang imbestigasyon at inamin ni Maris ang lahat habang umiiyak at sinasabing, “Hindi ko na po kinaya. Araw-araw niyo po akong ginagawang hayop.”
Naging laman ito ng balita sa barangay at social media. At doon, unang beses sa buong buhay ni Veronica, nakarinig siya ng katotohanan mula sa sariling anak. “Ma’am, lahat sila umaalis dahil ikaw ang problema.” Hindi siya makasagot. Wala siyang maipagmalaki at habang walang kasambahay na gustong tumira o magtrabaho sa kanya, na-realize niyang ang kapangyarihan at kayabangan niya noon ay wala palang patutunguhan.
Samantala, si Adel habang nangyayari ang lahat ng ito ay nasa night class na hawak ang notebook na may sulat na. Para sa bagong Adel. Habang nakaupo sa classroom, naalala niya ang dating amo, hindi para sumpain kundi para pasalamatan sa isang bagay. Tinulungan siyang matuklasan ang halaga niya bilang tao. Sa bagong pamilyang kumupkop sa kanya, natutunan niyang ang pagiging mabuti. Ang tunay na kayamanan. Hindi pera, hindi kapangyarihan, kundi paggalang sa kapwa.
News
Estudyante, inabuso sa publiko — lahat nagulat nang malaman kung sino ang ama niya!
Estudyante, inabuso sa publiko — lahat nagulat nang malaman kung sino ang ama niya! . (Bahagi 1) Kabanata 1: Ang…
Nakakita ng Sanggol sa Harap ng Kubo—Isang Lihim ang Magbabago ng Kanilang Buhay!
Nakakita ng Sanggol sa Harap ng Kubo—Isang Lihim ang Magbabago ng Kanilang Buhay! . Ang Sanggol sa Harap ng Kubo…
Aroganteng Pulis Napahagulgol Nang Tutukan ng Nakadiskarteng Intel na Naka-Payong Operasyon!
Aroganteng Pulis Napahagulgol Nang Tutukan ng Nakadiskarteng Intel na Naka-Payong Operasyon! . . Ang Batang Jutero at ang Kanyang Matinding…
(FINAL: PART 3) Akala Niya Karaniwang Lola Lang Ito!! Arroganteng Pulis Napahamak Dahil Sa Pagtapang Nito!!
PART 3: ANG PAGBABAGO AT ANG HINAHARAP Kabanata 18: Ang Pagsisimula ng Bagong Yunit Ilang linggo matapos ang insidente, ang…
(FINAL: PART 3) Bilyunaryo Pinakasal sa Dalagang Magsasaka ang Anak niya, Pero…
Part 3: Ang Pagsubok, Pagbabago, at Tagumpay Isang Bagong Simula Makalipas ang ilang linggo mula sa paglilibing kay Don Armando,…
(FINAL: PART 3) “PHILIPPINES ANG PINAKAMAINAM! PAGBUKAS NG CCTV, NAGULAT ANG MAG ASAWA SA PAGBABAGO NG ANAK ”
Part 3: Ang Pagpapatuloy ng Laban Ang Bagong Pagsubok Habang patuloy na umuunlad ang bayan, isang bagong pagsubok ang dumating….
End of content
No more pages to load






