PAMILYANG UMATTEND SA BIRTHDAY NI MAYOR, BINIGYAN NG TIRA-TIRANG PAGKAINDI NYA ALAM NA…
.
.
Part 1: Ang Pagdiriwang
Sa liblib na bayan ng Las Palmas, malayo sa ingay ng siyudad, nakatira ang mga tao na sanay sa hirap ngunit marunong ngumiti sa kabila ng kanilang kalagayan. Ang kanilang mga bahay ay gawa sa kahoy at yero, at kadalasang alikabok kapag tag-init at putik naman kapag umuulan. Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga tao ay may malasakit sa isa’t isa, parang magkakapamilya.
Isa sa mga taong kilala sa bayan ay si Alfredo Quinta. Mula pagkabata, siya ay nakilala na sa kanyang kabaitan at malasakit sa kapwa. Madalas siyang tumulong sa mga kapitbahay—nag-aayos ng sirang bubong, nag-aabot ng bigas sa mga walang makain, at hindi nag-aatubiling tumulong kahit gabi na. “Aba, si Predo. Mabait na bata yan,” ang madalas na sinasabi ng matatanda.
Kahit wala pa siyang mataas na pinag-aralan noon, likas na sa kanya ang malasakit sa kapwa. Kapag may sakuna, siya ang unang nasa harapan. Kapag may namamatayan, siya ang nag-aasikaso ng burol. Kaya hindi na nakapagtataka na halos buong bayan ay may utang na loob sa kanya.
Isa sa pinakamalapit niyang kamag-anak ay si Jojo Cruz, isang simpleng tricycle driver na may asawa’t tatlong anak. Magpinsan silang dalawa at magkakampi kahit noon pa man. Madalas silang magkasama sa mga gawain sa barangay, magkaagapay sa pagtulong sa mga kababayan.
Isang araw, dumating ang balita na magdiriwang ng kaarawan si Mayor Alfredo sa kanyang mansyon sa lungsod. Malugod na inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Las Palmas na makiisa sa pagdiriwang. “Open to the public,” ang sabi sa radyo. Napangiti si Jojo sa balita. “Alam mo ba, Candida? Open daw para sa lahat!” masiglang wika niya habang pinupunasan ang langis sa kanyang kamay.

Ngunit may halong pag-aalinlangan si Candida. “Sigurado ka bang para sa lahat ‘yon, Cho? Baka mga pulitiko lang ang tinutukoy nila. Hindi naman tayo sanay sa ganoong lugar,” sagot niya. “Basta’t mahalaga, pagkakataon ko na ‘to para makausap si Fredo. Baka matulungan niya tayo na magkaroon ng trabaho sa munisipyo,” sagot ni Jojo.
Kinagabihan, nag-ayos sila ng kanilang mga damit. Wala silang bagong damit, ngunit hindi iyon alintana ni Jojo. Suot niya ang lumang polo shirt at kupas na pantalon. Si Candida naman ay nagsuot ng duster na nilabhan at plantsadong plantsado pa. Ang kanilang tatlong anak, si Joy, si Day, at si Chloe, ay pinasuutan nila ng malilinis na damit na binili nila sa palengke.
Habang umaandar ang kanilang sidecar patungo sa lungsod, punong-puno ng pag-asa si Jojo. Iniisip niya na marahil ito na ang pagkakataong muling bumalik ang kanilang dating samahan ni Alfredo. Ngunit pagdating nila sa mansyon ni Mayor, napahinto sila sa malaking gate. Ang bakuran ay puno ng mga mamahaling sasakyan, mga taong nakabarong at gaon, at mga ilaw na kumikislap sa bawat sulok. Mula sa malayo, maririnig ang musika at tawanan ng mga bisita.
Tumingin si Candida kay Jojo. “Cho, sigurado ka bang para sa lahat ‘to? Wala naman akong nakikitang katulad natin dito,” tanong niya. “Baka maaga lang tayo,” sagot ni Jojo kahit siya man ay nagdadalawang isip na. Lumapit sila sa gate ngunit agad silang hinarang ng mga bodyguard.
“Saan kayo pupunta?” malamig na tanong ng isa. “Pinsan ako ni Mayor Alfredo. Nandito kami para bumati sa kaarawan niya,” magalang na sagot ni Jojo. Tinignan sila mula ulo hanggang paa ng bodyguard. Pagkatapos ay nagkatinginan sila ng isa pa sa mga bodyguard bago marahang binuksan ng gate. “Sige, pero dito lang kayo sa daan sa gilid ha.”
Sa halip na papasukin sa harapan, dinala sila sa likod bahay malapit sa kusina. Ilang minuto ang lumipas bago lumabas ang sekretarya ni Mayor. Ito ay si Mayet kasama ang isang katulong. “Pasensya na, Jojo. Hindi ka raw mahaharap ni Mayor ngayon. Maraming importanteng bisita. Pero kung gusto mo, magpa-appointment ka na lamang,” sabi ni Mayet.
Sabay abot ng katulong ng isang plastic bag ng pagkain. “Pinapapigay po ni Ma’am Lorin. Diyan na lang raw kayo sa likod dumaan, baka may makakita. Nakakahiya raw,” sabi ni Ma’am. Napatigil si Jojo. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Dahan-dahan niyang tinanggap ang plastic na pinaabot ng asawa ng kanyang pinsan. At pagkatapos ay nagpasalamat siya kahit nanginginig ang boses. “Salamat po.”
Tahimik silang naglakad papalabas. Si Candida ay hindi nakapagsalita. Nangingilid ang luha. Ang mga anak nila ay walang kamalay-malay, nag-aabang lang kung kailan kakain. Pag-uwi nila ay walang nagsasalita. Tanging si Candida lang ang bumasag ng katahimikan. “Cho, anong nangyari sa pinsan mo? Dati halos araw-araw nandito siya. Ngayon na hindi man lamang tayo pinapasok,” tanong nito.
Hindi sumagot si Jojo. Tinitigan lang niya ang plastic ng pagkain sa kanilang mesa. Mga tira-tirang handa mula sa mansyon ng kanyang pinsan. Sa puso niya ay may bigat na hindi maipaliwanag.
Kinabukasan ng gabing iyon, tahimik ang bahay ng mag-asawang Jojo at Candida Cruz. Wala ni isa sa kanila ang gustong magbukas ng usapan patungkol sa nangyari sa mansyon. Parang may mabigat na nakapatong sa dibdib ni Jojo habang tinitignan ang plastic ng pagkain na iniabot sa kanila kagabi. Ang mga anak nila ay masiglang kumain, hindi alam ang bigat ng loob ng kanilang mga magulang.
“Tay, masarap po ang spaghetti,” sabi ni Joy habang si Day naman ay masayang-masayang kumakain ng manok. Napangiti si Jojo pero pilit. “Oo anak, masarap talaga,” sagot niya. Sabay tingin kay Candida. Natahimik lamang ng mga sandaling iyon. Hawak ang kutsara ngunit hindi kumakain.
Pagkatapos nilang maghapunan, lumabas si Jojo sa labas ng kanilang bahay at naupo sa bangkito. Tahimik na nagmasid sa kalangitan na puno ng bituin. Sa kanyang isipan, bumalik lahat ng ala-ala. Ang mga panahong halos araw-araw ay magkakasama sila ni Alfredo. Nagtatawanan, nagkekwentuhan at nangakong sabay aangat sa buhay.
“Hindi ko akalain,” bulong niya sa sarili na sa araw na may narating na siya, itataboy niya ako na para bang wala kaming pinagsamahan. Lumapit si Candida at naupo sa tabi niya. “Cho, mahinawaan nitong sabi. Alam kong masakit. Pero siguro ganun talaga pag nagbago ang buhay ng tao, hindi lahat ay kayang panindigan ng dati nilang kabaitan.”
Napabuntong hininga si Jojo. “Hindi ko naman hinihingi na tulungan niya ako. Kahit sa man lang kilalanin niyang pinsan niya ako. Magkaibigan kami dati pa. Lagi kaming magkasama. Parang magkapatid na ang turingan namin pero hindi ko akalaing darating ang araw na ikakahiya niya ako.”
Part 2: Ang Pagsisisi
Sa mga sumunod na linggo, kumalat ang balita sa buong Las Palmas patungkol sa nangyari sa kaarawan ni Mayor. “Narinig niyo ba yung kay Jojo Cruz? Hindi daw pinansin sa party ni Mayor. Binigyan lang daw ng tira-tirang pagkain,” ito ang mga usap-usapan sa palengke.
“Naku, grabe naman. Pinsan pa naman niya ngayon,” sagot ng isa. Nakayuko lang si Jojo kapag naririnig ang mga bulung-bulungan. Hindi niya kayang makipag-away o magpaliwanag sapagkat totoo naman. Ang tanging ginawa niya ay ang magtrabaho ng masigasig. Bumabayahe siya ng maaga, nagta-tricycle hanggang gabi para lamang may pambili ng bigas at gatas ng mga bata.
Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya maiwasang maramdaman ang pait ng katotohanan na minsan ang mga taong tinulungan mo, sila pa ang siyang unang lalayo sa’yo kapag sila’y umangat na. Isang araw, dumaan si Jojo sa tapat ng munisipyo. May nakapa-skill na malaking streamer. “Proyekto ni Mayor Alfredo Quinta, bagong simula para sa Las Palmas.”
Ngunit habang binabasa niya ito, napansin niyang ang mga manggagawa ay hindi taga rito. Sila ay mga taga-siyudad. Pawang dayo ang mga ito, ni isa sa mga kababayang nangangailangan ng trabaho ay hindi nabigyan ng pagkakataon. Dahil doon ay napayuko si Jojo. “Kaya pala,” mahina niyang sabi. “Walang pagbabagong darating kasi kung ang puso ng namumuno ay sarado na, paano pa aangat ang bayan?”
Sa gabing iyon, muling nagdasal si Jojo. “Panginoon, bigyan mo po ako ng lakas na tanggapin ang mga bagay na hindi ko na kayang baguhin pa. Hindi ko naaasahan ang tulong ng pinsan ko. Basta’t huwag mo na lamang hayaan na mawala sa amin ang kabutihan kahit gaano kahirap.”
At doon niya naunawaan. Ang tunay na dangal ng tao ay hindi nasusukat sa kapangyarihan o pera kundi sa kakayahang manatiling mabuti kahit sinaktan na ng mga taong inaasahan niyang kakampi.
Makalipas ang ilang buwan, nagbago na ang anyo ng Las Palmas. Hindi na ito tulad ng dati na may halakhakan sa palengke at pasiglang mga tao sa kalsada. Ang dating tahimik at payapang bayan ay unti-unti ng napuno ng bulung-bulungan at mga reklamo. Ang proyekto sa kalsada, tatlong buwan na pero hindi pa rin tapos.
“Yung pondo nga ng bagong health center eh sabi nila nawala raw,” sambit naman ng isa. “Hindi mo na makakausap si mayor. Puro meeting. Puro lakad sa siyudad,” dagdag pa ng ilan. Unti-unting nagising ang mga mamamayan sa katotohanan.
“Ang pagbabago na ipinangako ni Mayor Alfredo Quinta ay tila isa lamang palamuti sa mga tarpoline,” ang sabi ng isang residente. Sa bahay ni Jojo Cruz, naririnig niya araw-araw ang mga reklamo habang nagta-tricycle.
“Jo, pinsan mo si Mayor ‘ba? Baka naman pwedeng pakiusapan mong ayusin yung kalsada dito sa sityo luntian,” pakiusap ng isa niyang pasahero. Ngumiti lang si Jojo. “Pasensya na, hindi ko na siya nakakausap eh. Matagal na rin kaming walang ugnayan mula ng naging mayor siya.”
Habang tumatagal, mas lalong nararamdaman ng mga tao ang hirap. Dumoble ang buwis. May mga permit na kailangang bayaran kahit sa maliit na negosyo. At ang mga tulong pinansyal na dati ibinibigay sa mga mahihirap ay biglang nawala.
Isang gabi, nagtipon ang ilang residente sa tapat ng tirahan ni Aling Nena. Dala nila ang mga ilaw at plakard. “Tama na. Ibalik ang pera ng bayan!” sigaw ng mga tao. Ang maliit na pagtitipon ay naging isang malaking kilos protesta sa loob lamang ng ilang linggo.
Nagsimulang magmartsa ang mga tao sa harapan ng munisipyo dala ang mga placard na may nakasulat. “Hindi ito pagbabago na ipinangako mo, Mayor Alfredo. Nasaan ang pondo ng bayan? Tama na ang kasinungalingan.”
Si Jojo, bagaman ayaw mangyaring, ay hindi rin nakatiis. Habang nagmamaneho ng tricycle, nakita niya ang mga dating kasamahan nila sa kampanya ni Alfredo. Hawak ang mga placard. Pawis na pawis ngunit puno ng loob.
Lumapit siya at nagtanong, “Anong nangyayari?” Sumagot si Mang Cardo, isa sa mga beteranong tagasuporta noon ni Alfredo. “Jo, totoo ang lahat ng balita. Dinakaw ni Mayor ang pondo ng proyekto pati ayuda. Ginawang personal na negosyo.”
Natigilan si Jojo. Parang may sumabog sa loob ng kanyang dibdib. “Hindi ko akalaing magagawa niya ‘yon,” mahina niyang sabi. Ang totoo, marami na siyang binayaran para patahimikin ang mga nagrereklamo. Dagdag pa ng isa. “Pero ngayon, hindi na kayang itago pa. Lalabas at lalabas rin ang katotohanan.”
Kinagabihan, nakita ni Jojo sa telebisyon ang balita. “Mayor Alfredo Quinta, iniimbestigahan dahil sa umano’y paglulustay ng kaban ng bayan.” Tahimik lamang si Jojo habang pinapanood ang balita. Si Candida nakaupo sa tabi niya at napabuntong hininga.
“Ayan na Cho, lumalabas na ang katotohanan,” sabi ni Candida. Ngunit sa puso ni Jojo, halo-halong damdamin ang kanyang nararamdaman. Galit, awa at lungkot. Galit dahil niloko ni Alfredo ang taong bayan. Awa dahil pinsan niya ito at lungkot naman dahil ang taong minsang pinaniwalaan ang lahat ay siya ring dahilan ng pagkawasak ng tiwala ng mga mamamayan.
“Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya,” bulong ni Jojo. “Pero sigurado ako, hindi na ito ang Alfredong pinsan ko.”
At mula sa gabing iyon, nagsimula ang pinakamabigat na una sa bayan ng Las Palmas. At sa puso ng isang lalaking minsang naniwala sa pangakong pagbabago ay nag-aalab ang apoy ng pag-aasam ng hustisya.
Part 3: Ang Pagsisisi at Pagbabago
Lumipas ang mga linggo at ang balita patungkol kay Mayor Alfredo Quinta ay lalong uminit. Halos araw-araw laman siya ng mga pahayagan, radyo at telebisyon. Ang dating hinahangaan at iginagalang na lider ng Las Palmas ngayon ay itinuturing ng magnanakaw ng kaban ng bayan.
May ebidensya raw sa ghost project yung pondo para sa paaralan. Ginamit daw sa negosyo ng asawa ni mayor pati lupa ng munisipyo ipinasok sa pangalan ng kamag-anak. Ilan lamang ito sa mga sigaw ng mga tao at mga usap-usapan habang muling nagkakagulo sa harapan ng munisipyo.
Ang mga dating sumusuporta kay Alfredo, ngayon ay tila sila rin ang humihingi ng hustisya. Isang araw, habang bumabyahe si Jojo Cruz, napansin niya ang mga pulis na papunta sa direksyon ng munisipyo. Narinig niya mula sa radyo ng tricycle ang balitang hinihintay ng lahat. “Mayor Alfredo Quinta, inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong plunder, graft at malversation of public funds.”
Napahinto si Jojo, tila biglang nanlamig ang kanyang mga kamay. “Totoo na pala,” bulong niya. Sa parehong araw, kitang-kita ng mga mamamayan ng Las Palmas sa telebisyon ang pag-aresto kay Alfredo. Nakaposas ito, nakayuko at walang imik. habang isinasakay sa mobile, ang dating mayabang at makapangyarihang alkalde ay para ngayong walang kalaban-laban.
Hindi alam ni Jojo kung ano ang mararamdaman. Sa isang banda, naroon ng sakit at pagkadismaya. Sa kabila naman ay may bahid ng awa. “Pinsan ko pa rin siya,” bulong niya sa kanyang sarili. “Kahit ano pa man, kadugo ko pa rin siya.”
Pag-uwi niya, sinalubong siya ni Candida. “Sho, nabalitaan mo na ba?” tanong nito. Tumango si Jojo. “Oo, ang bilis ng panahon oh. Parang kahapon lang naglalakad siya sa palengke. Tinutulungan yung mga tao. Ngayon nakaposas na.” Tahimik silang naghapunan.
Kahit si Joy at Day, halatang narinig ang mga usapan ng matatanda sa paligid. “Tay, masama po ba si Tito?” inosenteng tanong ni Joy. Napangiti si Jojo ng malungkot. “Hindi siya masama, anak. Pero minsan kahit mabuting tao ay nagkakamali rin. At pag nakalimot sa kabutihan, kahit gaano siya katalino o kayaman, babagsak din.”
Kinabukasan, naglabasan ang mga detalye ng imbestigasyon. Lumabas sa audit report na milyong-milyong piso ang nawala sa proyekto ng bayan. Ang dating pinagmamalaking kalsada, health center at scholarship fund ay pawang papel lang pala. Walang natapos, walang nasimulan at walang naipatayo.
Ang mga tao ay galit na galit. May mga sumisigaw sa labas ng kulungan. May mga nagdarasal ngunit may ilang ring nakaramdam ng awa. “Sayang siya,” sabi ng isang matandang lalaki, “kung hindi lang siya nadala ng kapangyarihan, baka siya pa ang pinakamagaling na mayor sa kasaysayan ng Las Palmas.”
Samantala, si Jojo ay nanatiling tahimik. Wala siyang balak na lumapit o dumalaw sa kanyang pinsan. Para sa kanya, matagal na niyang inilagay sa nakaraan ang ugnayan nilang dalawa. Ngunit kahit ganoon, hindi niya kayang itanggi may bahagi ng puso niyang siyang nalulungkot.
Hindi lang dahil sa pagbagsak ni Alfredo, kung hindi sa kabiguang tuparin ang pangako ng pinsan niya, ang pangakong minsan ay pinaniwalaan nilang pareho. Sa katahimikan ng kanilang bahay, napaisip si Jojo. “Ganito siguro talaga,” sabi niya sa sarili, “ang kapangyarihan ay parang apoy. Kung hindi mo kayang hawakan ng may kababahang loob, ikaw rin ang masusunog.”
Lumipas ang ilang buwan mula ng maresto si Mayor Alfredo Quinta. Ang dating kabikha-bikhaing Las Palmas ay unti-unti ng nakalimot sa kanya. Ang mansyon sa lungsod, ang mamahaling sasakyan at ang lahat ng karangyaan ay tila nawalan ng kabuluhan. Ang mga proyekto niyang napagkunan ng pera ay iniimbestigahan at marami sa mga opisyal na kanyang kasama ay pinatawan ng parusa.
Ngunit sa bahay ni Jojo at Candida Cruz, ibang kwento ang bumabalot. Sa kabila ng hirap, ang kanilang pamilya ay patuloy na namumuhay ng marangal. Ang maliit nilang vulcanizing shop ay unti-unti ng nakilala sa bayan. Hindi ito malaki ngunit sapat para matugunan ang pangangailangan ng pamilya.
Si Joy, Day at Chloe ay lumaki sa simpleng buhay. May aral na ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat sa pera kung hindi sa dangal at pagmamahal. Tuwing dumaraan sa kalsada, nakikita ni Jojo ang pagbabago ng bayan. Ang mga mamamayan ay nagsimulang magtulungan muli. Nagtatanim at nag-aayos ng bahay. Tumutulong sa bawat kapwa.
Hindi dahil may mayor na nag-uutos kundi dahil natutunan nilang ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa. Isang hapon habang inaayos ni Jojo ang mga gulong sa kanyang shop, napatingin siya sa lumang tarpol ng kampanya ni Alfredo. Napangiti siya ng mapait. “Matagal ko ng kinalimutan na may pinsan akong Alfredo ang pangalan,” bulong niya sa sarili.
Naalala niya ang araw na halos ipagtabuyan sila ng kanyang pamilya sa likod ng mansyon at ang plastic bag na may tira-tirang pagkain. Ang tahimik na pag-uwi nila ni Candida pati na rin ang kanyang mga anak, doon siya tuluyang nakaramdam ng pangungulila. Ngunit kasabay nito, natutunan niyang ang dangal at ang pagmamahal sa pamilya ay mas mahalaga kaya sa kahit anong posisyon na kapangyarihan.
Si Candida na laging nasa tabi niya ay ngumiti at hinawakan ng kamay ni Jojo. “Masakit noon pero tinignan natin ang kabutihan sa kabila ng lahat.” “Oo mahal. Kahit gaano kahirap alam kong may karangalan tayo. Hindi natin kailangang nakawin ng iba ang dangal natin,” sagot ni Jojo.
Sa gabi habang natutulog ang kanilang mga anak, patingin si Jojo sa bituin. Sa katahimikan, nagpasalamat siya sa Diyos. “Hindi man naitama ang mali ng iba, natutunan kong manatiling marangal sa sariling buhay. Natutunan kong ang tunay na lakas ay nasa puso ng tao sa kakayahang magpatawad at sa pagpili ng tama kahit walang nakakakita.”
Lumipas ang mga taon at si Jojo ay nanatiling halik ng kanyang komunidad. Tinutulungan niya ang mga nangangailangan, nagtuturo sa kabataan ng tamang asal, at ipinapakita sa mga anak niya na ang katotohanan at dangal ay hindi nabibili. Samantalang si Alfredo, kahit may kapangyarihan noon, ay unti-unting nilimot ng bayan at ng kanyang pamilya.
Ang kayabangan at kasakiman ay nag-iwan sa kanya ng walang natira kung hindi mga kaso at panghihinayang dala ng kanyang sariling desisyon. Sa kasalukuyan ay nakakulong siya at pinagdudusahan at pinagbabayaran ang lahat ng kanyang mga maling ginawa. Ngayon, ang bayan ng Las Palmas ay muling nagising, hindi dahil sa isang mayor kundi sa mga taong natutunang mamuhay ng may kabutihan, dangal at tunay na pagmamalasakit sa kapwa.
Si Jojo naman, simpleng tricycle driver noon, ay naging simbolo ng tunay na pagbabago. Isang tao na hindi nanghingi ng gandi, hindi naghangad ng yaman at nanatiling tapat sa kanyang puso. Ito ang aral ng kwento. Ang kapangyarihan ay pansamantala lamang. Ngunit ang kabutihan at dangal ay panghabang buhay.
Ang tunay na leader ay yaong marunong magmahal at maglingkod sa bayan kahit walang titulo o posisyon. Hindi nangungurap at hindi nagiging dahilan ng paghihirap. Dito na po nagtatapos ang ating maiksing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming aral.
News
(FINAL: PART 3) Isang Sipa Lamang, Napaluhod ang mga Pulis — Ang Lihim sa Likod ng Babaeng Mandirigma!
PART 3: ANG BAGONG ALAMAT NG MANDIRIGMA — PAGTATAGUMPAY SA KADILIMAN KABANATA 10: ANG PAGBANGON SA SAFEHOUSE Tatlong linggo na…
(FINAL: PART 3) ANG KWENTO ng ISANG BABAENG NEGOSYANTE na TINAPON ng MGA PULIS sa SEPTIC TANK
PART 3: ANG ANINO NG KATARUNGAN – MGA SUGAT NA HINDI NAKIKITA Kabanata 15: Ang Pagbangon ng Pamilya Matapos ang…
(FINAL: PART 3) Kawawang Kasambahay na Natutulog sa Kalye, Nakilala ang Isang Bilyonaryo at Naging Asawa
PART 3: ANG KASAMBAHAY NA NAGING ASAWA NG BILYONARYO — ANG BAGONG YUGTO NG BUHAY AT PAGPAPATAWAD Kabanata 20: Bagong…
(FINAL: PART 3) Viral! Nagkunwaring janitress, babaeng pulis pinabagsak ang korap sa mismong presinto niya!
Part 3: Ang Tunay na Presinto, Ang Lihim sa Likod ng Uniporme Ang Pagbabalik ni Isa Lumipas ang ilang buwan…
((FINAL: PART 3)Piniringan nila ang tuta at iniwan siya kasama ang isang maleta — ang patuloy niyang paghihintay ay siguradong makakasakit sa’yo.
Bahagi 3: Ang Lihim ng Maleta at Ang Bagong Simula Sa paglipas ng mga buwan, lalong lumalim ang koneksyon ni…
ISANG PINAY JANITRESS ANG TUMAYO NANG WALANG GUSTONG MAGTANGGOL SA KORTE SA MATANDA SA AMERIKA
ISANG PINAY JANITRESS ANG TUMAYO NANG WALANG GUSTONG MAGTANGGOL SA KORTE SA MATANDA SA AMERIKA . PART 1: ANG JANITRESS…
End of content
No more pages to load






