GALIT NA GALIT ANG DALAGA NANG PUMANAW ANG INA DAHIL SA PAGTATAKSIL NG AMAPERO ANG…
.
.
Simula ng Kwento
Tahimik ang buong kapilya. Tanging higpi at pag-iyak ng mga nakikiramay ang bumabalot sa paligid. Sa harap ng puting kabaong, nakatayo roon si Carmela. Nakasuot ng isang itim na best, malamig ang mga mata at para bang wala ng luhang mailabas. Sa loob ng kabaong ay nakahimlay ang kanyang ina, si Aling Aran. Mabait, mahinahon, mapagmahal ngunit ngayon ay isa na lamang ala-ala.
“Ba, bakit ang bilis?” mahina niyang sambit. Halos hindi marinig ng sino mang nakatayo sa tabi niya. Sa gilid ng silid, naroon ang kanyang amang si Ariel. Abala sa pakikipagkamay sa mga bisita. Nakaayos ang suot ngunit litawang pagod at lungkot sa mga mata. Kasama nitong tumutulong sa mga gawain si Krine, ang matalik na kaibigan ni Aran at ninang ni Carmela.
Simula bata pa siya, lagi niyang kasama si Ninang Krine. Babait ito, masayahin at parang pangalawa na niyang ina. Pero ngayong nakikita niyang laging katabi ito ng kanyang ama, para bang iba na ang dating. Nang isang beses ay mapatingin siya sa dalawa, nakita niyang parang magkahawak ang kamay ni Ariel at Krine. Saglit lang ngunit sapat para magsiklap ang galit sa dibdib ng dalaga.
Hindi niya alam kung imahinasyon lamang niya ba iyon o isa ng katotohanan. Ngunit ramdam niya ang kirot. “Hindi pa nga nalilibing si mama. May kapalit na kaagad,” sigaw niya sa kanyang isip.
“Carmela, anak,” tawag ni Ariel, lumalapit upang yakapin siya ngunit umatras ang dalaga. “Huwag mo akong tawaging anak ngayon pa, hindi ko kaya,” malamig niyang sagot. Napatingin sa kanila si Krine. Halatang nabigla.
“Carmela, huwag mong intindihin ang pakialam mo pa,” sigaw ng dalaga bago ito tumalikod at tumakbo papalabas ng simbahan. Hindi na tinapos ang sasabihin ng kanyang tita Krine. Sa labas umuulan. Parang sinasabayan ng langit ang bigat sa puso ni Carmela.
Nasa gilid siya ng kalsada. Hawak ang kwintas na bigay ng kanyang ina, isang simpleng pendant na may litrato nilang dalawa. “Ma, bakit mo sila pinagkatiwalaan?” tanong niya sa hangin. Sa likod niya, naroon si Krine, basang-basa sa ulan. Maingat na lumapit. “Carmela, anak! Hindi mo naintindihan?”
“Hindi mo ako anak,” sigaw niya. “Huwag mong papalitan si mama sa buhay ko.” Napahinto si Krine. Sa mata nito, may lungkot na parang walang katapusan. Hindi ito nagsalita. Niyakap na lamang nito ang kanyang sarili habang pinagmamasdan ng paglayo ni Carmela sa ulan.
Mula noon, nagbago ang lahat. Ang bahay na dati puno ng tawanan ay napalitan ng katahimikan. Si Ariel ay tahimik na lang rin. Pilit na kumakaing mag-isa habang si Carmela ay madalas sarado ang pinto ng silid. Paminsan-minsan ay dumadalaw si Krine. Nag-iiwan ng pagkain o bulaklak. Ngunit hindi lumalabas si Carmela. “Sabihin mo sa kanya hindi ko kailangan ang awa niya,” wika niya minsang marinig ang ama.

Sa isip-isip ni Carmela, malinaw ang lahat. Si Krine, ang ninang na akala niyang tapat na kaibigan ng kanyang ina, ay siya rin palang babaeng kumitil sa kaligayahan ng kanilang pamilya. At si Ariel, ang kanyang ama na dati niyang hinahangaan, ay isa palang taksil. At doon nagsimulang mabuo sa puso ni Carmela ang sumpang babago sa takbo ng kanilang mga buhay.
Mabilis na lumipas ang mga araw matapos mailibing si Arian. Ngunit sa puso ni Carmela, parang kahapon lamang ng tuluyang nawala ang kanyang ina. Tahimik na tahimik ang bahay nila. Dati’y puno ng tawanan, halakhakan at amoy ng nilulutong tilola ng kanyang ina tuwing gabi. Pero ngayon, puro echo na lamang ng mga ala-ala.
Si Ariel ay tahimik lang. Madalas na nakaupo sa sala, nakatitik sa lumang larawan ng kanyang asawa. Ngunit para kay Carmela, kahit anong tingin niya sa ama, hindi niya na makita ang mabuting taong dati niyang kilala. Isang gabi habang bumubuhos ang ulatok sa may pintuan. Pagbukas ni Ariel ay si Krine pala iyon.
May dalang sopas at bulaklak. Basa ang kanyang buhok, halatang galing pa sa sementeryo. “Na-miss ko lang si Arian,” mahina nitong sabi. Tumango lang si Ariel. “Salamat sa pagpunta, Krine. Halika pumasok ka.” Ngunit mula sa itaas ng hagdan, nakamasid si Carmela. Ramdam niya ang muling pag-init ng kanyang dugo.
“Ano na namang pakana?” Habang nag-uusap sa sala sina Ariel at Krine, pinilit ni Carmela na makinig. “Hindi ko pa rin siya nakakausap,” malungkot na sabi ni Krine. “Baka akala niya iba ang dahilan ko sa pagpunta rito.”
“Krine,” sagot naman ni Ariel. “Hindi pa ito ang tamang panahon. Nasasaktan pa siya.” “Pero Ariel, kailan pa?” tanong ni Krine, tila nagpipigil ng luha. “Tila nagpipigil ng luha.” Dito napuno si Carmela. Bumaba siya ng hagdan. Galit na galit. “Nagtitiis. Nagtitiis kayo ng lihim ninyo, hindi ba?” mariin niyang wika.
Nagulat naman ang dalawa. “Carmela, anak,” sigaw ni Ariel. “Anak, tumigil ka pa.” Sabi niya, “Wala akong ama na niloko ang asawa at wala akong ninang na nagnakaw ng halik ng tahanan ng kaibigan niya.” Napaiyak si Krine. “Hindi mo alam ang lahat, Carmela.” “Ano ba ang dapat kong malaman?” patuloy ng dalaga, nanginginig sa galit.
“Nakikita ko. Naririnig ko. Hindi niyo man aminin. Alam ko na ang totoo.” Tumayo si Ariel at lumapit sa anak. “Carmela, anak, mali ang iniisip mo. Hindi mo pa naiintindihan.” “Ano ang hindi ko naiintindihan na habang nililibing si mama may hawak ka ng kamay ng ibang tao?” Natahimik si Ariel. Hindi siya nakasagot. Tumingin siya kay Krine. At sa pagitan ng mga luha nito, tila may mga salitang gustong bitawan pero pinipigilan.
“Hindi ba ito ang tamang oras?” bulong ni Krine. Halos pabulong lang. Ngunit malinaw na narinig ni Carmela. Doon niya naramdaman ang mas matinding sakit dahil para sa kanya ang mga taong dapat niyang pinagkakatiwalaan ay siyang nagtatago ng katotohanan.
Pagsisimula ng Pagbabago
Kinabukasan, umalis si Carmela sa bahay. “Magpapahinga muna ako sa bahay nila Trixy,” sabi niya, walang lingon sa ama. “Anak, huwag ka namang umalis.” “Hindi mo ako mapipigilan.” “Ayokong manatili sa bahay na marumi sa akin.” Naiwan si Ariel sa may pintuan. Nakayuko. Si Krine, nakatayo sa labas, hawak ang kamay sa dibdib. Parang may tinik na hindi mailabas.
Bago sumakay ng tricycle, naghuling sulyep si Carmela sa dalawa. Magkatabi sa ulan, parang larawan ng pagtataksil. Sa isip niya, paulit-ulit ang pangako. “Darating ang araw. Ibubunyag ko ang lahat ng kasalanan ninyo sa ngalan ni mama.”
20 taon na ang nakakalipas. Isang mainit na hapon sa kampus ng unibersidad. May dalawang magkaibigang magkahawak kamay ang sabay na tumatawa habang naglalakad. “Krine, bilisan mo baka maubusan tayo ng upuan sa klase,” sigaw ni Arian habang nakangiti, hinahawi ang buhok na tumatama sa kanyang mukha. “Eh kasi naman ang bilis mong maglakad,” tawa naman ni Kristine.
Tahimik at mahinhin ang babae, laging nasa likod ng kanyang masayahing kaibigan. Sila ang magkasalungat na kaibigan. Si Arian kasi ay palatawa at mapagbigay. Si Krine naman mahiyain ngunit matalino at mayroong mabuting puso. Pero sa kabila ng pagkakaiba, sila ay parang tunay na magkapatid.
Isang araw, dumating sa klase ang transfery. Si Ariel, matangkad, desenteng tingnan at may ngiting agad na nagpabilis sa tibok ng puso ni Arian. “Bagong estudyante?” tanong ni Krine. “Oo. At halatang mabait,” sagot naman ni Arian sabay kindat.
Hindi niya alam, pareho silang tatamaan ng pag-ibig sa iisang tao. Mabilis na lumipas ang mga buwan. Laging magkasama ang tatlo. Nagkakape, nag-aaral at nagtatawanan. Ngunit sa bawat tawa ni Arian kay Ariel, may kirot na nararamdaman si Krine. Pinipilit niyang itago sapagkat ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila.
Hanggang isang gabi, matapos ang isang school event, nag-inuman silang tatlo kasama ang iba pang mga kaibigan. Habang umuulan, nag-alok si Ariel na ihatid na si Krine papauwi. “Huwag na. Kaya ko naman na.” “Hindi pwede,” sabi ni Ariel habang nakangiti.
Habang bumabagtas sila sa maulan na daan, nagkaroon sila ng sandaling hindi inaasahan. “Krine, may aaminin ako sa’yo,” sabi ni Ariel habang nakatingin sa kalsada. “Ikaw ang una kong napansin pero si Arian may kakaiba sa kanya at alam kong may sakit siya sa puso. Ayokong masaktan siya.”
Nanahimik lang si Krine. “So pinili mong mahalin siya dahil naawa ka?” tanong nito. “Hindi,” sagot ni Ariel. “Pinipili ko siyang mahalin dahil kailangan niya ako.” Pag-uwi nila, tumingin si Krine sa bintana, umiiyak.
Kinabukasan, kinausap niya si Arian. “Arian, mahal mo ba talaga si Ariel?” Nakangiti si Arian, walang kamalay-malay sa sugat sa puso ng kanyang kaibigan. “Oo, Krine. Para akong nabubuhay muli dahil sa kanya.” At doon na nagtapos ang laban ni Krine. Pinili niyang manahimik. Pinili niyang isuko ang kanyang damdamin para sa kaligayahan ng kaibigan.
Ngunit sa bawat araw na lumilipas, unti-unti siyang nauupos sa sakit ng hindi nasusuklian na pagmamahal. Makalipas ang isang taon, ikinasal sina Arian at Ariel. Si Krine ang made of honor. Nakangiti sa altar ngunit ang mga mata puno ng luhang pinipigil.
Sa gabi ng kasal, lumapit si Ariel sa kanya. “Krine, salamat ha. Hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo.” Ngumiti siya kahit sugatan. “Mahal mo siya, Ariel. Yan ang pinakamahalaga.” Ngunit sa mga gabing mag-isa lamang siya sa kanyang kwarto, paulit-ulit niyang tinatanong ang kanyang sarili. “Hanggang kailan ko kaya ang kayang itago ang damdaming ito?”
At doon nagsimula ang tunay na sugat. Ang sugat ng pag-ibig na itinago sa ngalan ng pagkakaibigan. Makalipas ang ilang buwan matapos ang kasal nina Arian at Ariel, nagdesisyon si Krine na lumayo muna. “Gusto ko lang makahanap ng bagong direksyon,” sabi niya kay Arian habang pilit na humihingi ng ngiti.
Alam ni Arian na may lungkot sa mga mata ng kanyang kaibigan pero hindi niya alam kung ano iyon. “Bumalik ka kaagad ha. Hindi ako sanay na wala ka,” biro ni Arian. Yakap-yakap si Krine. Sa kabila ng ngiti, sa puso ni Krine ay may sugat na lalong lumalalim.
Tuwing iniisip niyang magkasama sa iisang bubong sina Ariel at Arian, para bang may binibiyak sa kanyang loob. Ngunit alam niyang tama ang kanyang desisyon, ang magparaya kahit na masakit. Isang gabi bago siya tuluyang umalis, nagpaalam si Ariel sa kanya. “Krine,” sabi nito, nakatayo sa harap ng bahay na tila puno ng mga ala-ala. “Salamat sa lahat ha. Hindi ko makakalimutan kung paanong tinulungan mo ako kay Arian. Kung wala ka, baka hindi ko siya nakilala ng ganito.”
Ngumiti si Krine, pilit na pinipigil ang luhang gustong kumawala. “Ang mahalaga ay masaya siya. Yan naman ang gusto nating pareho, hindi ba?” Ngunit sa katahimikan ng gabing iyon, may nangyaring hindi nila inaasahan. Habang bumubuhos ang ulan at habang pareho silang binabalot ng kalungkutan, nagkasalubong ang dalawang pusong sugatan. Isang sandaling hindi dapat nangyari. Isang gabing puno ng luha, yakap at mga salitang hindi na kailanman dapat mabanggit pa.
Kinabukasan, nagising si Krine na mag-isa. Iniwan ni Ariel sa mesa ang isang liham. “Patawarin mo ako. Alam kong mali pero alam kong kailangang manatili ako kay Arian. Sana balang araw ay maunawaan mo.” At yun ang gabing tuluyang kumuho ang mundo ni Krine.
Lumipas ang mga linggo hanggang isang umaga, nagsimula siyang magsuka, manghina. At laging pagod sa pagbisita sa doktora. Natigilan siya sa kanyang narinig. “Congratulations, Miss Krine. You are two months pregnant.” Parang bumagsak ang langit sa kanya. “Paano ko sasabihin kay Arian? Sa kanya pa talaga,” bulong niya, hawak ang kanyang tiyan.
Isang hapon, naglakas loob siyang puntahan ang kanyang kaibigan. “Arian, kailangan kong sabihin sayo ang totoo,” nanginginig niyang sabi. Ngunit bago pa man niya maituloy, niyakap siya ni Arian ng mahigpit. “Krine, ang saya ko. Alam mo ba? Buntis ako.” Natigilan si Krine. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Dalawang babae. Parehong nagdadalang tao sa iisang lalaki.
Ngunit bago siya nakapagsalita, biglang nawalan ng malay si Arian. Sa ospital, sinabi ng doktor na delikado ang pagbubuntis. Mahina ang puso niya. Doon nagdesisyon si Krine. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkakaibigan, pinili niyang magsakripisyo.
Nang makalabas ng ospital si Arian, kinausap siya ni Krine sa ilalim ng punong sampalok sa kanilang bakuran. “Kung manganganak ka at manganganak rin ako,” nanginginig niyang sabi. “Ibigay natin sa’yo ang anak ko. Ako ang magiging anak ni Ariel.” Hindi niya kailanman malalaman. Walang makakaalam.
Walang kakayahang ipagpatuloy pa ni Arian ang kanyang pagdadalang tao. Nagkasunduan nilang dalawa na kapag nanganak si Krine, mapupunta kay Arian ang bata. Dahil doon ay napaiyak si Arian. “Krine, hindi ko kayang tanggapin yan. Anak mo siya.” Ngunit pinilit siya ni Krine. “Gawin mo ito para sa kanya, para sa inyo, para sa anak nating parehong minahal.”
At nagsimula ang lihim, ang kasunduang tatakpan ng taon ng katahimikan, luha at sakit. Mula sa araw na iyon, ipinanganak si Carmela, anak ni Krine ngunit itinuring na anak ni Arian. Lumipas nga ang mga panahon. Ang kinilalang ina ni Carmela ay walang iba kung hindi si Arian.
Hanggang sa siya ay tuluyan ng magdalaga. Samantala, bago tuluyang pumanaw si Arian noon, tatlong linggo na itong mahina ang tibok ng puso. Sa bawat araw na lumilipas, palalim ng palalim ang pangamba ni Ariel.
Sa loob noon ng silid ng ospital, tahimik ang paligid. Nakaupo si Krine sa gilid ng kama na hawak ang kamay ng kanyang kaibigan. “Huwag ka ng magsalita ng marami, Arian. Kailangan mong magpahinga,” pakiusap niya. Ngumiti si Arian ng marahan. “Kris, kapag wala na ako, pangako mong aalagaan mo si Carmela at pati na rin si Ariel.”
Napaiyak si Krine. Pinipigil ang pagpatak ng kanyang luha. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Lalakas ka pa.” “Hindi, Kris. Alam kong darating na ang oras.” Tumingin siya sa kisame. Tila nakatingin sa langit. Pinilit kong itago pero gusto ko na ring mapatahimik ang puso ko.
Napatigil si Krine. Alam niyang ito marahil ang sandali. “Arian.” Ngunit bago pa man niya mabigkas ang kasunod ng mga salita, pumasok si Carmela. May dalang prutas at isang pilit na ngiti. “Hi Ma! May dala po akong paborito mong mangga.” Ngumiti si Arian, pilit na nilalabanan ng sakit. “Salamat anak. Mahal na mahal kita anak.”
“Alam ko po ma. Kaya ka dapat lumakas.” Ngumiti lang si Arian, tila may lihim na ibig sabihin. Nang gabi ring iyon, habang tulog si Carmela sa tabi ng kama, lumapit si Krine kay Arian. “Hindi pa rin ba natin sasabihin sa kanya?” tanong ni Krine, nanginginig ang boses. “Hindi ba sa ngayon, Krine?” mahina ang sagot ni Arian.
“Hindi ko kayang masira ang mundong ginamit kong sandalan. Sa kabilang buhay na lang siguro ako hihingi ng tawad.” At sa huling sandaling iyon, hinawakan ni Arian ang kamay ni Krine. “Kris, kung may pagkakataon man kayong dalawa ni Ariel na magmahal ng totoo, sana sa tamang panahon, patawarin mo ako kung naging makasarili ako noon.”
Nang sumunod na umaga, natagpuan si Arian na tahimik. Payapang nakangiti, wala ng buhay. Si Ariel ay halos mabaliw sa sakit. Si Krine ay halos hindi na tumayo mula sa pagkakaupo. Si Carmela naman sa kabilang banda ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Ngunit ang pagdurusa ay unti-unting nauwi sa galit, galit na nakatuon sa ama at sa ninang na palaging nasa tabi nito. Pagkatapos nga ng libing ng kanyang ina noon, si Krine ay muling nagpunta sa bahay nila upang makaramay. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit, biglang sumulpot si Carmela. “Huwag kang lumapit, dito!” sigaw niya. “Hindi mo ba alam kung ano ang tingin sayo ng mga tao? Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si mama.”
Napatigil noon si Krine. “Carmela, hindi mo alam ang lahat.” “Hindi ko kailangang malaman,” balik ni Carmela habang humahagulgol. “Ang totoo, ninang. Kinakasuklan kita.” Tumulo ang luha ni Krine. Ngunit hindi siya sumagot. Tumingin lamang siya kay Ariel na tila humihingi ng tulong. Ngunit si Ariel ay nanatiling tahimik.
Para bang siya mismo nabubulunan sa bigat ng katotohanan. Umalis si Krine noon luhaan. Sa isip niya, tila boses ni Arian ang naririnig niya. “Kris, patawarin mo ako.” At sa katahimikan ng gabi, alam ni Krine na malapit na sumabog ang lihim na ilang taon na niyang iningatan.
Dahil sa bawat galit ni Carmela, unti-unting lumalapit ang sandaling kailangang harapin nila ang katotohanan. Ang katotohanang magpapalaya ngunit magpapabago rin ang lahat. At ngayon sa kasalukuyan, mula ng mailibing si Arian, tahimik pa rin ang bahay nina Ariel at Carmela.
Bagaman pilit na bumabalik sa normal ay puno pa rin ang pait. Lahat ng ala-ala ng ina ay paulit-ulit na bumabalik. Ang mga imahe ni Kristine ngayon ay ayaw na niyang makita kahit pa sa panaginip. Isang hapon, nang bumalik na si Carmela sa kanilang bahay, galing siya sa kanyang kaibigan.
Inayos niya ang mga lumang gamit ng kanyang ina sa lumang cabinet nito. May nahulog na kahong gawa sa kahoy. Lumang-luma na, tinabunan na ng alikabok. Nang buksan niya ito, bumungad ang mga lumang larawan. Larawan ni Arian at Krine noong kabataan nila. Mga liham at isang sobre na may nakasulat. “Para kay Carmela. Kapag dumating na ang tamang panahon.”
Kinabahan siya. Nanginginig ang kamay niya ng buksan ang liham. “Anak, kung binabasa mo ito, siguro ay wala na ako. May lihim akong itinago sa’yo hindi para saktan ka kung hindi para maprotektahan ka. Si Ninang Kristine mo. Siya ang tunay mong ina. Ako ang nagmahal at nagpalaki sayo. Ngunit siya ang nagbigay sa’yo ng buhay. Patawarin mo kami anak. Ang lahat ng ito’y dahil sa pagmamahal.”
Para bang huminto ang mundo ni Carmela? Hindi niya alam kung iiyak ba siya o sisigaw. Tinignan niya ang mga susunod na liham. Galing kay Krine. May liham na puno ng pag-amin at pighati. “Araw-araw kong pinapanood ang paglaki mo, anak. Gusto kong yakapin ka bilang anak ko. Pero alam kong hindi ito ang oras.”
Sa mga salitang iyon, muling bumalik ang mga alaala. Ang mga sandaling puno ng saya at sakit. “Hindi ko kayang itago ang damdaming ito,” bulong niya sa sarili. “Kailangan kong harapin ang katotohanan.”
At sa huli, natutunan ni Carmela na ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang nakasalalay sa dugo kundi sa mga sakripisyong ginawa ng mga taong nagmamahal sa kanya. Sa kanyang paglalakbay, natagpuan niya ang kanyang sariling boses at lakas upang ipaglaban ang kanyang karapatan sa pagmamahal at katotohanan.
News
(FINAL: PART 3) Isang Sipa Lamang, Napaluhod ang mga Pulis — Ang Lihim sa Likod ng Babaeng Mandirigma!
PART 3: ANG BAGONG ALAMAT NG MANDIRIGMA — PAGTATAGUMPAY SA KADILIMAN KABANATA 10: ANG PAGBANGON SA SAFEHOUSE Tatlong linggo na…
(FINAL: PART 3) ANG KWENTO ng ISANG BABAENG NEGOSYANTE na TINAPON ng MGA PULIS sa SEPTIC TANK
PART 3: ANG ANINO NG KATARUNGAN – MGA SUGAT NA HINDI NAKIKITA Kabanata 15: Ang Pagbangon ng Pamilya Matapos ang…
(FINAL: PART 3) Kawawang Kasambahay na Natutulog sa Kalye, Nakilala ang Isang Bilyonaryo at Naging Asawa
PART 3: ANG KASAMBAHAY NA NAGING ASAWA NG BILYONARYO — ANG BAGONG YUGTO NG BUHAY AT PAGPAPATAWAD Kabanata 20: Bagong…
(FINAL: PART 3) Viral! Nagkunwaring janitress, babaeng pulis pinabagsak ang korap sa mismong presinto niya!
Part 3: Ang Tunay na Presinto, Ang Lihim sa Likod ng Uniporme Ang Pagbabalik ni Isa Lumipas ang ilang buwan…
((FINAL: PART 3)Piniringan nila ang tuta at iniwan siya kasama ang isang maleta — ang patuloy niyang paghihintay ay siguradong makakasakit sa’yo.
Bahagi 3: Ang Lihim ng Maleta at Ang Bagong Simula Sa paglipas ng mga buwan, lalong lumalim ang koneksyon ni…
ISANG PINAY JANITRESS ANG TUMAYO NANG WALANG GUSTONG MAGTANGGOL SA KORTE SA MATANDA SA AMERIKA
ISANG PINAY JANITRESS ANG TUMAYO NANG WALANG GUSTONG MAGTANGGOL SA KORTE SA MATANDA SA AMERIKA . PART 1: ANG JANITRESS…
End of content
No more pages to load






