Kabanata 28: Ang Pagkukumpuni

“Magandang umaga po!” bati ni Liway sa matandang nakayuko sa kanyang mesa, abala sa pagbuting ng isang relong pambisig. Nag-angat ng tingin si Mang Jess mula sa kanyang salamin. “Magandang umaga, Ineng. Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo?”

Dahan-dahang inilabas ni Liway ang kahon mula sa kanyang bayong at maingat na ipinatong sa mesa. “Mang Jess, sana po ay matulungan ninyo ako. Ayaw na po kasing tumunog at ayaw na rin pong bumukas.”

Kinuha ng matanda ang kahon. Sinuri niya ito, kinaplos ang mga ukit, at kinilatis ang pagkakagawa. May kakaibang paghanga sa kanyang mga mata. “Matagal na akong hindi nakakakita ng ganitong klase ng pagkakayari. Gawa ng isang taong may pagmamahal sa kanyang sining.”

Sinubukan niyang pihitin ang susian ngunit matigas ito. Kumuha siya ng maliliit na gamit at sinimulang buksan ang ilalim na takip nito. Habang nagtatrabaho, nagsalita siyang muli. “Alam mo, Ineng, ito ay hindi isang ordinaryong music box. May kakaiba sa bigat at balanse nito. Ang gumawa nito ay naglagay ng kanyang puso at ng isang lihim.”

Kabanata 29: Ang Lihim ng Music Box

Ang mga salitang iyon ay nagpatibok ng mabilis sa puso ni Liway. Tama ang kutob niya. Kaya niyo po bang ayusin? “Titingnan ko. Bumalik ka bago maghapunan,” sabi ng matanda. Ang buong atensyon ay nasa loob na ng kahon.

Nagpasalamat si Liway at umalis na may panibagong pag-asa. Samantala, sa Hasiyenda de Silangan, isang hindi inaasahang milagro ang nasasaksihan ni Lino de Alva. Nasa veranda siya nagbabasa ng diyaryo ngunit ang isip ay lumilipad. Iniisip ang tungkol sa pasilidad sa Laguna na iminungkahi ni Marikit.

Kabanata 30: Ang Unang Hakbang ni Sinag

Sa hardin, kasama ang isa pang katulong ay si Sinag, nakaupo sa kanyang wheelchair. Karaniwan, ang bata ay nakatingin lang sa kawalan. Ngunit ngayon, may ginagawa ito. Pilit nitong inaabot ang isang bulaklak ng gumamela na nasa isang paso malapit sa kanyang wheelchair. Ang kanyang mga braso ay nanginginig sa hirap. Ang kanyang mga daliri ay paulit-ulit na nagtatangkang abutin ang pulang bulaklak.

Biglang pumasok sa isip ni Lino ang mga kwento ni Hiraya. Paborito raw nitong bulaklak ang gumamela. At si Liway, ang bagong yaya, ay madalas maglagay ng sariwang gumamela sa florera sa loob ng silid ni Sinag. At doon nangyari ito.

Kabanata 31: Ang Milagro

Isang maliit na tagumpay. Nahawakan ng mga daliri ni Sinag ang tangkay ng bulaklak. Hindi niya ito napitas. Ngunit ang mismong paghawak, ang sinasadyang pagkilos, ito ay isang bagay na hindi pa nakita ni Lino mula ng mangyari ang aksidente. Isang sinasadyang pagkilos, isang kagustuhan.

Nabitawan niya ang diyaryo. Dahan-dahan siyang tumayo. Ang mga mata ay hindi maalis sa kanyang anak. Nakita niya ang isang bahagyang pagkurba sa mga labi ni Sinag. Isang anino ng isang ngiti. Ang puso ni Lino ay tila binuhusan ng magkahalong saya at kirot. Ang kanyang anak ay bumabalik dahan-dahan ngunit bumabalik.

Kabanata 32: Ang Pagsisisi ni Lino

At ang pagbabalik na ito ay nagsimula lamang nang dumating si Liway. Ng gabing iyon sa kanilang hapag-kainan, hindi mapakali si Lino. Si Marikit ay masayang nagkukwento tungkol sa mga plano niya para sa kanilang kasal. Ngunit wala roon ang kanyang isip.

“Kit!” mahinang sabi niya, pinuputol ang sinasabi ng kasintahan. Natigilan si Marikit. “Yes, mahal. Tungkol kay Sinag. Nag-aalang sabi ni Lino. Nakita ko siya kanina. Inabot niya ang isang bulaklak. Siya lang mag-isa.”

Kabanata 33: Ang Pagdududa

Tinaasan siya ng kilay ni Marikit. Isang ngiting pilit ang gumuhit sa labi. “Oh, that’s nice. Baka nagkataon lang.” “Hindi. Nakita ko,” giit ni Lino. “May pagbabago sa kanya. Malaki. Mula ng dumating si Liway. Sigurado ka bang kailangan pa natin siyang ipadala sa Laguna? Baka ang kailangan lang niya ay manatili dito sa pamilya niya.”

Ang ngiti sa mukha ni Marikit ay biglang naglaho, napalitan ng inis na pilit niyang itinatago. “Lino, mahal, don’t be silly. Isang bulaklak lang yon. Huwag nating gawing basihan ang isang maliit na bagay. Ang mga doktor ang mas nakakaalam. We should trust the experts. Not a simple nanny.”

Kabanata 34: Ang Pagbabalik ng Nakaraan

Ang paraan ng pagsabi niya ng “simple nanny” ay may halong pangmamaliit. May kung anong kumirot sa dibdib ni Lino. Sa unang pagkakataon, narinig niya ang lamig sa boses ni Marikit. At sa unang pagkakataon, nagduda siya. Bago pa man makasagot si Lino, biglang nag-ring ang telepono ni Liway na tahimik na nakatayo sa isang sulok. Naghihintay ng utos.

Nakita niya ang isang hindi rehistradong numero. Nagpaalam siya sandali at sinagot ito sa labas. “Hello, Ineng. Si Jessie ito,” sabi ng boses sa kabilang linya, puno ng pananabik. “Yung kahon mo, naayos ko na.” Napangiti si Liway. “Talaga po? Maraming salamat po.”

Kabanata 35: Ang Lihim na Nakatago

“Tumutunog na ulit,” sabi ng matanda. “Pero may isa pa akong sasabihin sa’yo. May nakita ako habang kinukumpuni ko ang mekanismo.” Ang mga salita ni Mang Jess ay umalingawngaw sa isip ni Liway habang siya’y pabalik sa hasyenda. “May sikretong kompartimento sa ilalim ng kahon.”

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Kinabukasan, sa pagkakataong abala si Marikit sa pakikipag-usap sa telepono sa Hardin, muli siyang tumakas patungo sa bayan. Ang bawat minuto ay tila isang oras. Ang bawat metro ay tila isang kilometro.

Kabanata 36: Ang Pagbabalik sa Hasiyenda

Pagdating niya sa maliit na botika, iniabot sa kanya ni Mang Jess ang kahon, makintab at tila bago. “Ayan na, Ineng. Maingat kong ibinalik ang lahat sa dati.” May kakaibang tingin sa mga mata ng matanda. Isang tingin ng pag-unawa at pag-iingat. “Kung ano man ang laman niyan, gamitin mo sa tama.”

Hindi na nagtanong si Liway kung paano nalaman ng matanda. Tumango lang siya, nagpasalamat ng buong puso at nagmamadaling bumalik sa mansyon. Sa wakas, nasa loob na siya ng kanyang maliit at ligtas na silid. Ni-lock niya ang pinto, isinandal ang isang upuan sa door knob para makasiguro.

Kabanata 37: Ang Pag-amin

Ang kanyang puso ay dumadagundong sa kanyang dibdib. Isang halo ng takot at pananabik. Ipinatong niya ang kahon sa kanyang kama. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahan niyang pinipihit ang susian sa likod nito at pagkatapos isang himig ang pumuno sa kwarto.

Isang himig na matagal na niyang hindi naririnig ng buo. Ang himig ng kanilang Oyayi. Ang musika ay malinaw at dalisay. Ngunit sa bawat nota, tila may kasamang lungkot. Isang alaala ng nawawalang kapatid na papikit si Liway.

Kabanata 38: Ang Pagbabalik ng mga Alaala

Hinayaan ng musika na dalhin siya pabalik sa kanilang kabataan sa mga panahong simple at puno ng tawanan. Nang malapit ng matapos ang kanta sa huling nota nito, isang halos hindi marinig na tunog ang kanyang narinig. “Click!” Isang tunog na mekanikal, matalas at malinaw. Napamulat siya.

Tiningnan niya ang kahon. Sa ilalim nito, isang maliit na bahagi ng kahoy ang bahagyang umangat na nagpapakita ng isang siwang. Ginamit niya ang kanyang kuko para buksan ito. Isang sikretong kompartimento. Tama si Mang Jess.

Kabanata 39: Ang Katotohanan

At sa loob nakasalalay ang dalawang bagay. Isang kapirasong papel na nakatupi ng maingat. Ang pagka-ayelo nito ay tanda ng katagalan at sa tabi nito, isang bagay na moderno at hindi akalain. Isang maliit, itim na USB flash drive. Nanginginig ang mga kamay ni Liway habang inaabot ang nakatuping liham.

Dahan-dahan niya itong binuksan. Agad niyang nakilala ang sulat kamay, ang sulat kamay ng kanyang ate Hiraya. Ngunit hindi ito ang perpektong sulat na dati niyang nakikita. Ito ay nanginginig, tila isinulat ng nagmamadali at puno ng takot. Sinimulan niyang basahin.

Kabanata 40: Ang Babala

“Aking Amihan.” Panimula ng liham. “Kung binabasa mo ito, ibig sabihin ay nangyari na ang kinatatakutan ko. Patawad kung hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ito sa iyo ng harapan.” Humigpit ang paghinga ni Liway. Ang bawat salita ay tila isang punyal na tumutusok sa kanyang puso.

“Mag-ingat ka kay Marikit. Huwag mo siyang pagkatiwalaan. Noong una akala ko ay normal lang ang selos niya sa akin sa relasyon namin ni Lino. Ngunit may higit pa roon. May kasamaan sa kanyang mga mata. May mga gabing naririnig ko siyang may kausap sa telepono tungkol sa pera. Malalaking halaga.”

Kabanata 41: Ang Pagsisisi

Ang mga luha ay nagsimulang mamuo sa mga mata ni Liway. Ang mga salita sa papel ay nagsimulang lumabo. “Amihan, kapatid ko. Kung may mangyaring masama sa akin, ipangako mo sa akin. Alagaan mo si Sinag. Huwag mong hahayaang mapunta siya sa mga kamay ni Marikit. Siya ang buhay ko. Ang lahat ng ebidensyang naipon ko ay nasa loob ng USB. Ikaw na ang bahala.”

Ang huling mga salita ay halos hindi na mabasa dahil sa mga tila tuyong patak ng luha sa papel. “Mahal na mahal kita, Hiraya.” Nabitawan ni Liway ang liham. Ang katotohanan ay isang malaking alon na sumira sa lahat ng natitira niyang pagpipigil.

Kabanata 42: Ang Pagsisiyasat

Hindi aksidente ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Pinatay siya at ang salarin ay natutulog lamang sa kabilang silid, nakangiti habang dahan-dahang sinisira ang lahat ng mahalaga kay Hiraya. Sa gitna ng kanyang pagtangis, ang himig mula sa music box ay umabot hanggang sa silid ni Sinag kung saan bukas ang pinto.

Nasa tabi ng bata ang isang katulong, sinusubukang pakainin ito. Ngunit nang marinig ni Sinag ang pamilyar na himig, natigilan siya. Ang kanyang mga mata na laging blanko ay nagkaroon ng kislap. Ang kaniyang ulo ay dahan-dahang lumingon patungo sa direksyon ng tunog at pagkatapos, isang salita ang kumawala sa kanyang mga labi.

Kabanata 43: Ang Unang Salita

“Ma-ma!” tumakbo si Liway papasok sa silid ni Sinag. Ang mukha ay basang-basa ng luha. Niyakap niya ang pamangkin ng mahigpit. Niyakap niya ang tanging piraso ni Hiraya na natitira sa mundo. Hindi na lang ito tungkol sa pagprotekta kay Sinag. Ngayon, isa na itong laban para sa hustisya. Isang laban para sa kanyang kapatid.

Kabanata 44: Ang Pagsasama

Nang kumalma siya, kumuha siya ng USB. Kailangan niyang malaman kung ano ang laman nito. Naalala niya ang isang luma at sira-sirang laptop na nakatago sa bodega, ginagamit dati ng mga hardinero. Pumasok siya roon. Isinaksak ang USB sa laptop. Nag-on ang laptop at isang file folder ang lumabas.

Ngunit nang sinubukan niyang buksan ito, isang bintana ang lumitaw sa screen. Humihingi ng isang bagay na hindi niya inaasahan. “Password required.” Ang mga araw ni Lino de Alva ay isang paulit-ulit na ritwal ng paglimot.

Kabanata 45: Ang Paghahanap

Sa umaga, ibinabaon niya ang sarili sa mga papeles ng negosyo, sa mga numero at kontrata na walang emosyon. Sa gabi, hinahayaan niyang aliwin siya ng matatamis na salita at mga plano para sa hinaharap ni Marikit. Ito ang kanyang paraan para takasan ang isang katotohanang nakaukit sa bawat sulok ng mansyon: wala na si Hiraya.

Ngunit nitong mga nakaraang linggo, may isang bagong presensya ang unti-unting sumisira sa kanyang maingat na itinayong pader. Ang yaya na nagngangalang Liway. Hindi niya ito pinapansin noong una. Isa lang ito sa maraming mukha na dumadaan sa kanyang bahay.

Kabanata 46: Ang Pag-amin

Ngunit ang mga pagbabago kay Sinag ay imposible ng hindi mapansin: ang pagngiti, ang pag-abot sa bulaklak. At kanina lang narinig niya mula sa isa pang katulong ang balita na halos magpatalon sa kanyang puso. Sinubukan daw magsalita ni Sinag. Isang salita. “Mama!”

Nakatayo si Lino ngayon sa kanyang opisina. Nakatanaw sa malawak na hardin mula sa bintana. Sa kanyang mesa ay nakapatong ang litrato ni Hiraya. Nakangiti. Ang mga mata ay puno ng buhay. Anong gagawin ko, mahal? Tanong niya sa hangin.

Kabanata 47: Ang Desisyon

Tama ba itong desisyon ko na ipakasal kay Kit? Tama ba na ilayo ko si Sinag? Ang sagot ay hindi dumating. Ang tanging naroon ay ang katahimikan at ang bigat ng kanyang sariling pagdududa. Pinilit niyang alisin ito sa kanyang isip. Si Marikit ay mabait. Siya ang tumulong sa kanyang bumangon muli.

Kabanata 48: Ang Pagsubok

Hindi niya dapat ito pag-isipan ng masama. Lumabas siya ng opisina. Plano sanang maghanda para sa isang business meeting. Habang naglalakad siya sa pasilyo ng ikalawang palapag, narinig niya ang boses ni Liway mula sa silid ni Sinag. “Isa pa, Sinag. Abutin mo ang bola,” malambing na sabi nito.

Dahil sa kuryosidad, sumilip siya sa bahagyang nakabukas na pinto. Nakaupo si Liway sa sahig, ilang talampakan ng layo mula sa wheelchair ni Sinag. Sa pagitan nila ay isang maliit at makulay na bola. Si Sinag na may determinasyon sa mukha ay bahagyang iniaangat ang kanyang katawan mula sa upuan.

Kabanata 49: Ang Milagro

Ang mga braso ay nakaunat. Pilit na inaabot ang laruan. Isang milagro. Isang nakakamanghang milagro. Ang kanyang anak na sinabi ng mga doktor na maaaring manatiling parang isang halaman habang buhay ay gumagalaw. Nagpupursige.

Ngunit ang magandang tanawin ay biglang sinira ng isang malakas na sigaw. “Liway!” Ang boses ni Marikit ay matinis at puno ng galit. Nagmumula sa paanan ng malawak na hagdanan. Agad na napatayo si Liway. Ang mukha ay puno ng pag-aalala.

Kabanata 50: Ang Pagsisisi

“Ano na naman ang ginawa mo sa mga halaman ko? Bakit nakakalat ang lupa sa carpet?” Nagmamadaling lumabas si Liway ng silid. “Pasensya na po senora. Lilinisin ko po agad.”

“Lagi ka na lang pasensya ng pasensya. Puro kaperwisyo.” Ang pinto ng silid ni Sinag ay naiwang bukas. Si Lino ay nanatili sa kanyang kinatatayuan. Hindi sigurado kung dapat ba siyang makialam.

Kabanata 51: Ang Desperasyon

Sa loob ng silid, si naiwan mag-isa ay muling sinubukang abutin ang bola. Ngunit sa kanyang pagpupumilit, ang kanyang katawan ay masyadong sumandal pasulong. Ang bigat ay lumipat. Ang isang gulong ng wheelchair na hindi pala naka-lock ng maayos ay gumulong.

At isa pa, dahan-dahan ang wheelchair ay nagsimulang gumalaw palabas ng pinto patungo sa pasilyo, patungo sa tuktok ng hagdanan. Isang malakas na sigaw ang pumunit sa tensyon sa mansyon. “Sinag!” sigaw iyon ni Liway.

Kabanata 52: Ang Pagsagip

Lahat nangyari ng napakabilis. Mula sa kanyang kinatatayuan, nakita ni Lino ang wheelchair ni Sinag na gumugulong papalapit sa hagdan. Nakita niya ang takot sa mga mata ng kanyang anak. Sa unang pagkakataon, nakita niya si Liway na tumatakbo pabalik.

Ang mukha ay puno ng desperasyon at nakita niya si Marikit sa ibaba. Ang kamay ay nakatakip sa bibig. Ang mga mata ay nanlalaki sa pagkukunwaring gulat. Tumakbo si Lino. Ang kanyang puso ay tila gustong lumabas sa kanyang dibdib ngunit mas mabilis si Liway.

Kabanata 53: Ang Pagsagip

Sa huling segundo, bago pa man tuluyang mahulog ang wheelchair sa hagdanan, inihagis niya ang kanyang sariling katawan. Buong lakas niyang itinulak ang wheelchair patagilid palayo sa panganib. Tumama ang wheelchair sa pader. Si Liway naman, dahil sa pwersa, ay bumagsak sa sahig.

Ang kanyang braso ay tumama sa gilid ng isang paso. Nang makarating si Lino, ang panganib ay tapos na. Si Sinag ay umiiyak. Nanginginig sa takot ngunit ligtas. Si Liway ay pilit na bumabangon. Ang mukha ay namumutla. May dugo na dumadaloy sa kanyang braso.

Kabanata 54: Ang Pagsisisi

Si Mary Kit ang unang nakabawi ng boses. Tumakbo ito paakyat. “Oh my God! Sinag! Lino!” Ngunit ang kanyang mga mata ay hindi nakatuon sa bata kundi kay Liway. Isang matalim at puno ng akusasyong tingin. “Anong ginawa mo sa kanya?” Sigaw ni Marikit. Itinuturo si Liway. “Iniwan mo siyang mag-isa. Muntik mo ng mapatay ang bata. You are so irresponsible. Gusto mo bang mamatay?”

Kabanata 55: Ang Pagsisisi

Tumayo si Liway. Nanginginig. “Hindi ko po sinadya. Tinawag niyo po ako.” “Sinungaling. Palagi kang may dahilan.” Tumigil si Lino. Tiningnan niya ang eksena sa kanyang harapan. Si Sinag na umiiyak. Si Liway na may sakit sa mukha.

Kabanata 56: Ang Pagsisisi

Hindi dahil sa sugat kundi dahil sa akusasyon. At si Mary Kit na ang pagkataranta ay tila sobra. Tila isang pag-arte. May mali. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Lino ang isang malamig na kaba na walang kinalaman sa muntik na aksidente. Tiningnan niya ang mga gulong ng wheelchair.

Kabanata 57: Ang Paghahanap

“Bakit hindi naka-lock?” Si Liway ay maingat. Imposibleng makalimutan niya iyon. Kinuha niya si Sinag mula sa wheelchair at niyakap. Pagkatapos ay humarap siya kay Liway. Ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bigat. “Sa opisina ko. Ngayon din,” sabi niya, hindi sa paraang galit kundi sa paraang naghahanap ng kasagutan.

Kabanata 58: Ang Katotohanan

Tumingin siya sa mga mata ni Liway, mga matang puno ng takot ngunit may determinasyon. At pagkatapos ay tumingin siya kay Mary Kit na ang mukha ay nagpapakita ng tagumpay. “Le Why?” ulit niya. “Gusto kong marinig ang totoo. Ano ba talaga ang nangyayari sa bahay na ito?”

Kabanata 59: Ang Pagsisisi

Ang opisina ni Lino de Alva ay isang silid na puno ng mga anino at hindi masambit na mga salita. Nakaupo si Liway sa isang upuan sa harap ng malaking mesa na gawa sa Mahogany habang si Lino ay nakatayo malapit sa bintana. Nakatalikod sa kanya ang mga balikat ay tila pinalakas ng buong mundo.

Kabanata 60: Ang Pagsisisi

Ang sugat sa braso ni Liway ay ginamot na ng isa pang katulong ngunit ang kirot na nararamdaman niya sa puso ay mas matindi. Ito na ang pagkakataon. Ngunit paano niya sisimulan? Paano niya sasabihin sa lalaking ito na ang babaeng pakasalan nito ay isang demonyo? Paano niya ipapaniwala ang isang taong bulag sa pagluluksa?

Kabanata 61: Ang Pagsisisi

“Hindi ko sinadyang iwan si Sinag,” panimula ni Liway. Ang boses ay nanginginig ngunit determinado. “At sigurado po akong ni-lock ko ang gulong ng wheelchair. Lagi ko pong ginagawa ‘yon.”

Kabanata 62: Ang Pagsisisi

Humarap si Lino. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagod at pagkalito. “Kung ganon, anong nangyari Liw? Paanong gumalaw ang wheelchair ng kusa?” Huminga ng malalim si Liway. Kailangan niyang mag-ingat sa bawat salita.

Kabanata 63: Ang Pagsisisi

“Senor Lino, mula pa po noong dumating ako rito, may mga napapansin na akong kakaiba. Mga bagay na hindi nagkakatugma.” “Anong mga bagay?”

Kabanata 64: Ang Pagsisisi

“Ang pagkain ni Sinag. Ang biglaang pagkasira ng mga laruan niya. Ang pagkawala ng kanyang paboritong unan.” “Maliliit na bagay po pero kapag pinagsama-sama tila may isang taong gustong gawing miserable ang buhay niya dito. Tila may gustong patunayan na hindi siya dapat manatili sa bahay na ito.”

Kabanata 65: Ang Pagsisisi

Hindi niya direktang pinangalanan si Marikit ngunit alam niyang naiintindihan ni Lino ang kanyang pinararating. Isang matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila. Naglakad si Lino pabalik sa kanyang mesa at naupo. Tinitigan niya si Liway ng diretso sa mata. Tila sinusukat ang kanyang kaluluwa.

Kabanata 66: Ang Pagsisisi

“Si Marikit,” sabi ni Lino sa mahinang boses. Hindi isang tanong kundi isang pag-amin sa hinala. “Pinaghihinalaan mo si Marikit.”

Kabanata 67: Ang Pagsisisi

Hindi kumibo si Liway. Ang kanyang pananahimik ay sapat na sagot. Napahilamos ng kamay si Lino sa kanyang mukha. “Liway, alam kong nag-aalala ka at pinasasalamatan ko ang lahat ng ginagawa mo para sa anak ko. Pero mabigat ang paratang na yan.”

Kabanata 68: Ang Pagsisisi

“Si Kit. Kasama ko siya sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ko. Hindi ko hindi ko kayang paniwalaan yan ng walang patunay.” Nasaktan si Liway ngunit naintindihan niya.

Kabanata 69: Ang Pagsisisi

“Siyempre. Paano nga ba maniniwala ang isang lalaki sa salita ng isang katulong laban sa kanyang mapapangasawa?” “Bigyan niyo po ako ng kaunting panahon. Pakiusap ni Liway. Patutunayan ko po sa inyo.”

Kabanata 70: Ang Pagsisisi

Tumingin si Lino sa kanya, isang tingin na puno ng pag-aalinlangan ngunit may bahid din ng pag-asa. “Sige,” sabi nito. “Pero mag-iingat ka. Ayokong may mangyaring masama sa’yo sa loob ng pamamahay ko.”

Kabanata 71: Ang Pagsisisi

Ang mga salitang iyon kahit paano ay nagbigay ng lakas kay Liway. Hindi siya tuluyang pinaniwalaan ngunit hindi rin siya tuluyang isinantabi. Mayroon siyang kaunting panahon ng gabing iyon. Hindi siya mapakali.

Kabanata 72: Ang Pagsisisi

Ang USB ay nasa kanyang bulsa, isang piraso ng plastic na naglalaman ng katotohanang hindi niya mabuksan. Paulit-ulit siyang bumalik sa lumang laptop sa bodega. Sinusubukan ang lahat ng posibleng password na maisip niya. “Hiraya 13. Sinag de Alva. Hasyenda Silangan.” Lahat ay mali. “Incorrect password.”

Kabanata 73: Ang Pagsisisi

Napaupo siya sa sahig. Napasabunot sa kanyang buhok sa frustration. Ano ang password? Ano ang isang bagay na napakahalaga kay Hiraya na gagawin niyang susi sa pinakamalaki niyang sikreto? Napatingin siya sa music box na nakapatong sa isang lumang baol sa tabi niya.

Kabanata 74: Ang Pagsisisi

Ang himig nito kanina ang alaala. Bigla, isang imahe ang pumasok sa kanyang isip. Isang eksena mula sa kanilang kabataan. Nasa ilalim sila ng isang puno ng mangga. Parehong mga teenager pa, katatapos lang gawin ni Hiraya ang isang cross stitch project para sa school.

Kabanata 75: Ang Pagsisisi

Maganda ang pagkakagawa ngunit sa dulo, aksidente niyang naitahi ang pangalan niya ng may maling spelling. “Hiraya. Naging Hiraya.” Pinagtawanan nila iyon ng husto. “Ang tanga ko naman,” sabi ni Hiraya habang tumatawa.

Kabanata 76: Ang Pagsisisi

“Okay lang yan ate,” sabi ng batang si Amihan. “Para sa akin ikaw pa rin ang ate ko. Number one, laging isa.” “Tayo,” pagtatama ni Hiraya habang inaakbayan siya. “Hindi ako kundi tayo. Tayong dalawa ang iisa, hindi mapaghihiwalay.”

Kabanata 77: Ang Pagsisisi

Napabangon si Liway. Isang ideya ang biglang pumasok sa kanyang isip. Isang bagay na napakapersonal. Isang sikreto nilang dalawa. Isang bagay na hindi kailanman mahuhulaan ni Marikit o ng kahit sino. Muli siyang umupo sa harap ng laptop.

Kabanata 78: Ang Pagsisisi

Ang kanyang mga daliri ay nanginginig habang nagta-type siya. “Hindi pangalan ni Hiraya, hindi pangalan ni Sinag, kundi ang pangalan nilang dalawa. At ang taon kung kailan sila naging magkapatid sa mundong ito.” “Amihan Hiraya 995.” Pinindot niya ang enter.

Kabanata 79: Ang Pagsisisi

Sa isang iglap, ang bintana ng password ay naglaho. Isang folder ang bumukas na nagpapakita ng maraming mga files sa loob. Ang kanyang paghinga ay tila huminto. Nag-click siya sa unang folder na may pangalang “Bank Statements.”

Kabanata 80: Ang Pagsisisi

Bumungad sa kanya ang mga kopya ng mga dokumento mula sa iba’t ibang bangko sa ibang bansa. Cayman Islands, Switzerland. Mga dokumento na nagpapakita ng regular na paglipat ng malalaking halaga mula sa account ng The Alba Corporation patungo sa mga account na nakapangalan kay Marikit Romero.

Kabanata 81: Ang Pagsisisi

Ang ebidensya. Malinaw pa sa sikat ng araw pero may isa pang folder. Ang pangalan nito ay mas simple ngunit mas nakakakilabot. “Recordings.” Binuksan niya ito. May iisang audio file sa loob. Kinakabahan. Isinaksak niya ang isang lumang earphone sa laptop at pinindot ang play.

Kabanata 82: Ang Pagsisisi

Sa una, puro static. Ngunit pagkatapos, isang boses ang narinig niya. Ang boses ni Marikit. Tila nakikipag-usap ito sa telepono. “Oo, sigurado ako. Walang makakaalam. Isang maliit na pagkalikot lang sa preno. Magmumukha itong aksidente. Pagkatapos nito, akin na ang lahat. Akin na si Lino. Akin na ang yaman niya. Mawawala na sa landas ko si Hiraya.”

Kabanata 83: Ang Pagsisisi

Nabitawan ni Liway ang earphone. Isang malamig at nakakakilabot na pakiramdam ang gumapang sa kanyang buong katawan. Hindi ito pagnanakaw lang. Ito ay pagpatay. Isang malamig at kalkuladong pagpatay. At doon, habang pinakikinggan niya ang static sa dulo ng recording, may isa pang napagtanto si Liway.

Kabanata 84: Ang Pagsisisi

Ang background noise, mahina pero naroon, isang pamilyar na tunog. Ang marahang pagpihit ng hangin, ang tunog ng bentilador sa silid ni Hiraya. Ang recording ay hindi mula sa isang telepono. Ang recording ay ginawa sa loob mismo ng silid. Napatingin siya sa music box at naintindihan niya ang lahat.

Kabanata 85: Ang Pagsisisi

Ang kahon ay hindi lang isang lalagyan ng liham. Si Hiraya na mahilig sa mga gadget ay naglagay ng isang maliit na voice-activated microphone sa loob. At ang mikropono ay tahimik na nakikinig at marahil nakikinig pa rin hanggang ngayon. Ang audio recording ay isang malinaw na patunay ng isang krimen.

Kabanata 86: Ang Pagsisisi

Ngunit alam ni Liway na maaaring hindi ito sapat. Sasabihin ni Marikit na pineke ito, na gawa-gawa lang. Kailangan niya ng isang bagay na mas malakas. Isang bagay na hindi maikakaila, isang bagong recording, isang pag-amin mula mismo sa bibig ni Marikit. At ang music box, ang munting regalong puno ng alaala, ang magiging sandata niya.

Kabanata 87: Ang Pagsisiyasat

Kinabukasan, pinag-aralan ni Liway ang routine ni Marikit. Tuwing 3 ng hapon, pagkatapos nitong kausapin ang wedding planner, palagi itong nagkukulong sa library para sa isang serye ng mga business calls. Ito ang perpektong pagkakataon.

Kabanata 88: Ang Pagsisiyasat

Nang araw na iyon, kalahating oras bago sumapit ang 3, pumasok si Liway sa library. Dala-dala ang isang tray ng meryenda para kay Marikit. Isang taktika na siguradong magpapalambot sa puso ng kahit sino ngunit isa lamang bahagi ng kanyang plano.

Kabanata 89: Ang Pagsisiyasat

Ang music box ay maingat niyang itinago sa ilalim ng tray na tatatakpan ng isang sibileta. Ang library ay tahimik. Maingat niyang inilapag ang tray sa isang mesang katabi ng paboritong upuan ni Marikit. Tiningnan niya ang paligid.

Kabanata 90: Ang Pagsisiyasat

Ang kanyang mga mata ay napadpad sa isang malaking florera na puno ng mga puting rosas na kapatong sa isang maliit na estante sa likod ng upuan. Perpekto. Dali-dali niyang kinuha ang music box. May maliit na switch sa gilid nito na ngayon lang niya napansin.

Kabanata 91: Ang Pagsisiyasat

Isang switch para sa continuous recording. Pinindot niya ito. Isang napakaliit na pulang ilaw ang kumislap ng isang beses, senyales na ito’y gumagana na bago ito tuluyang namatay para hindi makita. Maingat niyang ipinuwesto ang kahon sa likod ng florera kung saan hindi ito kapansin-pansin ngunit malinaw na maririnig ang anumang pag-uusap.

Kabanata 92: Ang Pagsisiyasat

Huminto siya sandali. Ang puso niya’y kumakarera. Ito ay isang malaking sugal. Kung mahuli siya, tapos na ang lahat. Ngunit kung magtagumpay siya, mabibigyan niya ng hustisya ang kanyang kapatid.

Kabanata 93: Ang Pagsisiyasat

Nagmamadali siyang lumabas ng library at saktong nasalubong niya si Marikit sa pasilyo. “Oly, why?” sabi nito. Bahagyang nagulat. “Saan ka galing?” “Hinihanda ko lang po ang meryenda ninyo, senyora,” sagot ni Liway, pinipilit na maging kalmado. “Nasa loob na po ng library.”

Kabanata 94: Ang Pagsisiyasat

Isang bihirang ngiti ang sumilay sa labi ni Marikit. “Good. You’re finally learning.” Pumasok si Marikit sa library at isinara ang pinto. Si Liway naman ay nagtago sa likod ng isang haligi sa di kalayuan. Sapat na malapit para marinig kung may mangyayari. Ngunit sapat na malayo para hindi makita.

Kabanata 95: Ang Pagsisiyasat

Ang bawat segundo ay tila isang paghampas ng martilyo sa kanyang dibdib. Lumipas ang ilang minuto. Narinig niya ang mahinang boses ni Marikit mula sa loob. Nagsimula na ang tawag. Sa loob ng library, naupo si Marikit sa kanyang paboritong upuan. Kinuha ang kanyang telepono.

Kabanata 96: Ang Pagsisiyasat

Sa kabilang linya ay ang mayordomang si Elida. Ang kanyang matagal ng kasabwat at malayong kamag-anak. “Elida, nasaan ka?” bungad ni Marikit. Ang boses ay puno ng inis. “Nasa kusina po, senora. May kailangan po ba kayo?” “Wala. Gusto ko lang siguraduhin na nasusunod ang plano.”

Kabanata 97: Ang Pagsisiyasat

Sabi ni Mary Kit. “That nanny Liw’s becoming a problem. At si Lino, nag-uumpisa na siyang mag-isip. We need to speed things up.” Ang pagpapadala kay Sinag sa Laguna kailangan ng mangyari sa lalong madaling panahon. “Pero paano po, senora? Mukhang nagdadalawang isip na si Senor Lino.”

Kabanata 98: Ang Pagsisiyasat

Isang tawa, malamig at walang saya ang kumawala kay Marikit. “Ako ang bahala kay Lino. Ang kailangan kong gawin ay bigyan siya ng isang malaking dahilan para maniwala na si Liway ay isang panganib. Ang nangyari sa hagdanan ay simula pa lang. Marami pa akong kayang gawin.”

Kabanata 99: Ang Pagsisiyasat

Humigop siya ng tsa. “Nakakatawa. Hindi ba? Akala ng lahat ang hirap alisin ni Hiraya sa landas ko pero isang simpleng pagputol lang ng linya ng preno. Tapos ang kwento niya, simple, malinis. Ngayon, isang pipitsuging yaya at isang baldado ang problema ko. Sila pa ba ang hindi ko kayang tapusin sa labas?”

Kabanata 100: Ang Pagsisiyasat

Napakagat-labi si Liway para pigilan ang hikbi. Nakuha na niya. Ito na ang kailangan niya. Ang malinaw na pag-amin. Taas-baba ang tingin sa akin ng babaeng yon, patuloy ni Marikit. Puno ng galit. “Kung makatingin siya, parang may alam siya. Pero anong magagawa niya? Isang hamak na katulong. Aalisin ko siya sa lalong madaling panahon. Pagkatapos ay isusunod ko na ang pa-slit na yon. At sa wakas, ang lahat ng ito,” ikinumpas niya ang kamay sa buong silid.

Kabanata 101: Ang Pagsisiyasat

“ay magiging akin.” Nasiyahan sa kanyang sarili. Ibinaba ni Marikit ang tasa ng tsa. Ngunit sa kanyang paggalaw, isang kislap ng liwanag ang

Kabanata 102: Ang Pagsisiwalat

Sa mga sumunod na araw, nagpatuloy si Liway sa kanyang plano. Tiniyak niyang ang music box ay palaging nasa kanyang tabi. Habang patuloy na nag-aalaga kay Sinag, siya rin ay nag-iimbestiga. Sinubukan niyang makahanap ng mga ebidensya na makapagpapatunay sa mga akusasyon laban kay Marikit.

Isang gabi, habang abala siya sa paghahanda ng pagkain para kay Sinag, narinig niya ang isang usapan mula sa silid ni Marikit. Nakatayo siya sa harap ng pinto, nakikinig sa bawat salitang lumalabas mula sa bibig ng kanyang amo.

“Walang makakapigil sa akin,” sabi ni Marikit, ang boses ay puno ng galit at determinasyon. “Kailangan ko lamang ng tamang pagkakataon. At kapag dumating iyon, wala nang makakapigil sa akin. Ang lahat ng ito ay magiging akin.”

Kabanata 103: Ang Laban para sa Katarungan

Nang marinig ito, nagpasya si Liway na kumilos. Kinabukasan, nag-imbita siya ng mga kaibigan ni Hiraya, mga taong kilala ang kanilang pamilya at ang mga nangyari sa nakaraan. Ipinakita niya ang mga ebidensya na kanyang nakuha mula sa USB.

“Hindi ito tungkol sa akin. Ito ay para kay Sinag at sa kapatid kong si Hiraya,” sabi ni Liway sa kanyang mga bisita. “Kailangan nating ipaglaban ang katotohanan.”

Kabanata 104: Ang Pagsasakdal

Sa tulong ng mga kaibigan, nag-organisa sila ng isang press conference upang ilantad ang mga lihim ni Marikit. Sa harap ng mga mamamahayag at mga tao sa bayan, isinalarawan ni Liway ang mga pangyayari, ang mga banta, at ang mga kasinungalingan ni Marikit.

“Hindi ako natatakot. Ang totoo ay dapat lumabas. Kailangan nating ipaglaban ang mga batang walang kalaban-laban,” sigaw ni Liway, ang kanyang tinig ay puno ng tapang.

Kabanata 105: Ang Kahalagahan ng Katotohanan

Dahil sa mga ebidensyang ipinakita, nagsimula ang imbestigasyon laban kay Marikit. Ang mga tao sa bayan ay nagalit sa kanyang mga ginawa. Ang mga dating kaibigan ni Marikit ay umalis sa kanyang tabi, at ang kanyang mga plano ay unti-unting naglaho.

Kabanata 106: Ang Pagsasauli

Sa wakas, nakamit ni Liway ang hustisya para kay Hiraya at kay Sinag. Si Lino, na nagising mula sa kanyang pagkalumbay, ay nagpasya na ipaglaban ang kanyang anak. “Hindi ko na kayang hayaan pang mangyari ito,” sabi niya. “Kailangan nating ipaglaban si Sinag at bigyan siya ng magandang buhay.”

Kabanata 107: Ang Bagong Simula

Sa mga sumunod na buwan, unti-unting bumalik ang saya sa buhay ni Sinag. Sa tulong ni Liway, nagpatuloy ang kanyang therapy at unti-unti siyang bumangon mula sa kanyang pagkakasadlak. Ang ngiti sa kanyang mukha ay muling nagbigay liwanag sa buhay ng lahat.

Si Liway ay naging isang mahalagang bahagi ng pamilya de Alva. Ang kanyang tapang at pagmamahal ay nagbigay ng bagong simula hindi lamang para kay Sinag kundi para sa buong pamilya.

Kabanata 108: Ang Pag-asa

Sa ilalim ng puno ng mangga, muling nagtipon ang pamilya. Nagsimula silang magkuwentuhan at magtawanan, ang alaala ni Hiraya ay palaging kasama sa kanilang puso. “Ang buhay ay puno ng pagsubok,” sabi ni Liway, “ngunit sa bawat hirap, may pag-asa. At sa pag-asa, may pagmamahal.”

Kabanata 109: Ang Pagsasama

Dahil sa kanilang mga karanasan, natutunan nilang pahalagahan ang bawat sandali. Ang pamilya, kahit gaano ito kaliit, ay isang kayamanan na hindi matutumbasan. “Mahalaga ang bawat isa sa atin,” sabi ni Lino, “at ang pagmamahal ang siyang tunay na yaman.”

Kabanata 110: Ang Wakas

At sa huli, ang kwento ni Liway, Sinag, at ng pamilya de Alva ay naging simbolo ng pag-asa at pagmamahal. Isang kwento na nagtuturo sa atin na sa kabila ng mga pagsubok, ang pagmamahal at katotohanan ay laging mananaig.

Wakas