BATANG ULILANG LUBOS, NILIGTAS ANG MATANDANG INAATAKE SA PUSOLAKING GULAT NYA SA IBINIGAY NITONG…
.
.
Ang Paglalakbay ni Irene
Bahagi 1: Ang Simula ng Lahat
Tahimik ang buong baryo ng gabing iyon. Ang hangin ay malamig at tanging huni ng kuliglig ang maririnig sa labas ng maliit na barong-barong na tirahan nina Irene at ng kanyang ina, si Aling Rosa. Sa loob, nakahiga si Aling Rosa, namumutla at humihingal, may basang tuwalya sa kanyang noo. Sa tabi niya, nakaupo si Irene, walong taong gulang pa lamang, may hawak na pamaypay at pinupunasan ang pawis ng kanyang ina.
“Nay, gusto niyo po bang uminom ng tubig?” tanong ng bata, halos pabulong. Tila natatakot marinig ang hinaing ng mundo. Ngumiti si Aling Rosa, pilit. “Huwag ka ng mag-alala, anak ha. Sandali na lang, mawawala na rin ang sakit ni nanay.”
Alam ni Irene na hindi simpleng lagnat ang dinaramdam ng kanyang ina. Tuberculosis, sabi ng doktor, at wala na silang sapat na pera para magpagamot. Araw-araw, pinipilit ni Aling Rosa na bumangon para ipagluto ang anak, ngunit madalas ay bumabagsak siya sa kama, inuuban ng malakas, may kasamang dugo. Si Irene, kahit bata pa, ay natutong maglaba, magigib ng tubig, at magluto ng kanin. Tuwing gabi, siya ang nag-aalaga sa kanyang ina at nagdarasal ng taimtim. “Panginoon, pagalingin niyo po si nanay. Kahit ako na lang po ang magkasakit.”
Ngunit isang umaga, nagising si Irene na malamig na ang kamay ng ina. Niyugog niya ito, umiiyak at paulit-ulit na tinatawag ang kanyang ina. “Nay, gising po kayo. Huwag niyo po akong iwan.” Ngunit wala nang tugon. Sa gitna ng kanyang pag-iyak, pumasok ang ilang kapitbahay at doon niya unang naramdaman ang tunay na bigat ng salitang ulila. Wala siyang ama. Ayon kay Aling Rosa, isang gabi lamang ng pagkakamali ang pinagmulan niya at ang lalaki ay hindi kailan man nagpakita o nangako. Nang mamatay ang kanyang ina, si Irene ay tuluyang naging isang batang walang sandigan.
Dinala siya ng mga kapitbahay sa mga kamag-anak ng kanyang ina, kay Aling Berna, ang pinsan nitong may kaunting kaya sa kabilang baryo. Sa una, tila mabait ang babae. “Huwag kang mag-alala, anak ha. Ako na ang bahala sa’yo. Hindi kita pababayaan,” sabi ni Aling Berna, sabay haplos ng buhok ni Irene ng gabing iyon. Kahit puno ng takot at kalungkutan, nakatulog si Irene sa pag-asang baka muling maramdaman niya ang init ng isang pamilya.

Ngunit kinabukasan, ibang tono na ang boss ni Aling Berna. “Oh, heto ang labahin. Simulan mo na ‘yan ha. Huwag kang tatamad-tamad dito sa bahay ko. Kailangang marunong kang magpasalamat.” Hindi pa man nakaka-recover sa pagkamatay ng ina, nagsimula na kaagad ang hirap ni Irene. Araw-araw siyang sinisigawan, pinaglalaba, pinaglilinis, at pinagtatawanan ng pinsang si Alice. Kung minsan ay hindi siya pinapakain o kaya pinapagalitan kahit wala namang kasalanan, ang batang dapat ay naglalaro pa sa kalsada ngayon ay nakayuko sa sahig, may luha sa pisngi at may latay sa kanyang braso.
At sa bawat hampas ng kapalaran, sa bawat luha na tumutulo sa kanyang pisngi, unti-unting tumitibay ang puso ni Irene. Isang pusong hinubog ng pagdurusa. Ngunit hindi kailan man tumigil na umasa. “Balang araw!” bulong niya sa sarili. “Mababawi ko rin ang lahat ng nawala sa akin.” Lumipas ang mga araw na parang taon para kay Irene. Sa bahay ni Aling Berna, walang araw na hindi siya pagod, gutom o umiiyak. Sa murang edad na siyam, siya ang unang bumabangon tuwing madaling araw upang mag-igib ng tubig, maglaba ng damit ng buong pamilya, at magwalis ng bakuran bago pa man sumikat ang araw.
“Hoy Irene, ang bagal-bagal mo. Gusto mo bang hindi ka na kumain ha?” sigaw ni Aling Berna mula sa kusina habang ito ay nagsasain. “Opo, Tiyang. Sandali lang po,” sagot ni Irene, nanginginig ang kamay sa lamig at pagod. “Ano raw? Sandali lang.” “Aba, sumasagot ka pa ha.” At bago pa siya makatakbo, tumama na ang kamay ni Aling Berna sa pisngi niya. Sanay na si Irene sa sakit. Sa bawat sigaw, palo o mura, lahat ng iyon ay tinitiis niya. Alam niyang wala siyang karapatang lumaban. Isa lamang siyang batang kinupkop at hindi siya anak.
Ang pinsan niyang si Alice na halos kasing idaran lamang niya ay napakaluho at palaging sumisigaw. Laging nangunguna ito sa pang-aapi sa kanya. “Ang pangit mo talaga, Irene. Puti pa ako. Maputi at may bagong damit. Ikaw, mukha kang basahan.” Ngumiti na lamang si Irene, pilit, at nagpatuloy sa paglalaba. Pero sa likod ng ngiti, naroon ang kirot, hindi dahil sa pangungutya kundi dahil sa alam niyang totoo ito. Hindi siya maganda at wala siyang maayos na damit. Madalas ay pinaglumaan na ni Alice.
Minsan habang nagluluto siya, sinabuyan siya ni Alice ng mainit na tubig sa braso dahil daw sa babagal-bagal siya. Napasigaw siya dahil sa sakit. Ngunit imbes na aluin, sinigawan pa siya ni Aling Berna. “Huwag kang umiyak diyan ha. Ang arte-arte mo. Buti nga hindi ka natapunan ng kumukulong sabaw eh. Saka dapat ay matuto kang maging mabilis.” Tahimik lang siyang nagpunas ng luha, itinago ang hapdi, at nagpatuloy sa pagluluto.
Si Tio Bong naman, ang asawa ni Aling Berna, ay laging tahimik pero may kakaibang tingin kay Irene tuwing gabi kapag wala si Aling Berna. Ramdam niya ang mga matang nakamasid sa kanya. May mga pagkakataong bigla na lamang itong lalapit at aabutin ang kanyang balikat. “Maganda ka na,” bulong nito minsan dahilan para kabahan siya. Mula noon, tuwing gabi ay nagkukumot siya ng mahigpit, nagdarasal na sana hindi lumapit ang kanyang tiyo.
Hindi niya alam kung saan kukuha ng lakas. Pero bawat gabi ay nilalabanan niya ang takot sa loob ng dilim. Ang tanging sandigan niya ay ang mga alaala ng kanyang ina. Ang mga salitang lagi nitong sinasabi noon, “Anak, kapag mahirap ang buhay, huwag mong hayaan na maging kasing itim ng paligid ang puso mo ha. Manatili kang mabuti, anak.” At yun nga ang ginagawa ni Irene kahit araw-araw siyang ginugutom, minumura at sinasaktan, hindi siya natutong magtanim ng galit. Sa halip, tuwing gabi ay binubulong niya sa hangin ang kanyang mga pangarap. “Balang araw,” sabi niya habang nakatingala sa bituin. “Makakaalis rin ako dito. Mag-aaral ako at makikilala nila kung sino ang hinahamak-hamak nila.”
Hindi niya alam kung kailan darating ang araw na iyon. Pero alam niyang ito ay darating. At habang mas lalong pinapahirapan siya ng mundo, mas lalo rin siyang tumitibay at mas lalo siyang lumalaban.
Bahagi 2: Ang Pagbabago
Labimang taong gulang na si Irene. Ngunit sa itsura’t kilos niya ay tila mas matanda. Ang payat niyang katawan ay saksi sa mga taong ginugol niya sa paglilinis, paglalaba, at pagtitiis. Habang si Alice naman ay abala sa pagpapaganda at pakikipagkita sa mga kaibigan. Si Irene ay abala sa pagtitipid ng barya. Mga perang kinikita niya sa pagbebenta ng lumang bote at karton tuwing siya ay naglilinis ng bakuran.
Araw-araw pare-pareho ang takbo ng buhay niya. Gigising ng maaga, maglilinis ng bahay, maghuhugas ng pinggan, at mag-aalaga ng mga hayop. Ngunit isang gabi, nagbago ang lahat. Habang nag-aayos siya ng mga pinagkainan, napansin niyang matagal ng tahimik sa loob ng bahay. Nasa sala si Tio Bong, lasing hawak ang bote ng alak habang nanonood ng TV. Lumapit si Irene para magligpit ngunit bigla siya nitong hinawakan sa braso.
“Hali nga rito, Irin,” lasing na wika ng lalaki, amoy alak at pawis. “Huwag po, Tiyong,” nanginginig niyang sagot. Pilit niyang binunot ang kamay. Ngunit mas hinigpitan pa nito ang kapit. “Ang ganda-ganda mo na. Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa akin,” bulong nito habang hinahaplos ang buhok niya. Nangakmang hahalikan siya. Biglang bumukas ang pinto. “Ano yan, Papa?” sigaw ni Alice galing sa labas.
Mabilis na kumilos si Tio Bong. Kunwari wala lang. “Eh wala to. Tinawag ko lang si Irin para magligpit ng baso.” Nanahimik si Alice pero ramdam ni Irene ang tensyon. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang kwarto, nanginginig sa takot at luha. Kinagabihan, habang tulog na ang lahat, nagpasya siya. Hindi na siya mananatili roon. Hindi niya nahihintayin pa na tuluyang mangyari ang kinakatakutan niya. Kinuha niya ang maliit na supot ng mga naipon. Onting papel at ilang pirasong barya ang laman. Pero para sa kanya ay kayamanan na iyon. Nagsuot siya ng lumang damit, isinuksok ang ilang pirasong tinapay at lumabas ng bahay ng dahan-dahan.
Natatakot siya na baka may magising. Tahimik ang paligid. Ang tanging maririnig lamang ay alingawngaw ng kanyang mga yapak at tibok ng sariling puso. Pagdating niya sa kalsada, sakto namang may dumaraang bus papuntang Maynila. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Sumakay siya kahit hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng tadhana. Habang papalayo ang bus, nakatanaw siya sa bintana. Nakikita niya ang mga bundok ng Samar na unti-unting nawawala sa kanyang paningin.
Sa dibdib niya, may halong takot at saya. Takot sa hindi alam, ngunit saya dahil sa wakas ay malaya na siya. Habang umuusad ang biyahe, napatingin siya sa langit at bumulong, “Nanay, tulungan mo po ako. Hindi ko po alam kung saan po ako papunta pero gusto ko pong mabuhay. Gusto ko pong magtagumpay.” Sa unang pagkakataon ng maraming taon, nakahinga siya ng maluwag. Wala siyang alam sa buhay sa Maynila. Wala roong kakilala. Walang direksyon. Pero dala niya ang pinakamahalaga—ang pag-asang balang araw ay siya ay makakaahon.
At sa bawat batak ng ulan sa bintana ng bus, tila kasabay niyon ang unti-unting paghuhugas ng kanyang nakaraan. Pagdating ni Irene sa Maynila, tila ibang mundo na ang kanyang nasilayan—malalaking gusali, ilaw sa kalsada, at mga taong nagmamadaling parang walang pakialam sa isa’t isa. Bitbit lamang niya ang lumang bag na halos walang laman, dalawang pirasong damit, at ang binao niyang tinapay. Gutom, pagod, at siya ay takot. ‘Yun ang unang naramdaman niya sa lungsod para sa isang probinsyanang tulad niya.
Wala siyang matuluyan. Sa unang gabi, natulog siya sa ilalim ng overpass sa Cubao, niyakap ang bag niyang parang kayamanan. Habang pinapanood ang mga dumaraang sasakyan, napaiyak na lamang siya. “Ito ba ang simula ng kalayaan ko?” bulong niya sa sarili. Ngunit sa kabila ng lahat, pinili niyang magtiwala sa Diyos gaya ng turo ng kanyang ina.
Kinabukasan, naglakad siya ng naglakad, umaasang may mag-aalok ng trabaho. Ilang araw siyang nagtanong sa mga tindahan at bahay. Ngunit kadalasan ay itinataboy lamang siya. “Hindi namin kailangan ng trabahador at isa pa, bata ka pa, baka magnakaw ka lang galing ka palang probinsya.” Ngunit hindi siya sumuko. Isang araw, may isang ginang na naghanap ng kasambahay. Agad siyang nag-volunteer. “Kahit po maliit ang sahod, tatanggapin ko po,” sabi ni Irene sa boses puno ng pag-asa.
Sa unang linggo, ayos siya. Ngunit kalaunan, lumabas rin ang tunay na ugali ng kanyang amo. Sinisigawan siya nito, pinapagalitan sa maliit na pagkakamali, at minsan ay hindi pinapakain. “Walang iyaka. Hindi mo alam ang ginagawa mo,” galit na sigaw ng ginang habang binabato ang basang tuwalya sa kanya. Tiniis ni Irene ang lahat ngunit nang minsang makita niyang itatapon ng amo ang kaunting pera niyang ipon, hindi na siya nagdalawang isip. Umalis siya, lumakad siya sa lansangan, walang direksyon, walang pera at walang tulog. Ngunit sa puso niya, buo pa rin ang paniniwala. “Hindi ako susuko.”
Habang naglalakad sa tapat ng parke, bigla niyang napansin ang isang matandang lalaki na nakahandusay sa gilid ng daan. Hawak ang dibdib nito at hirap na huminga. Walang lumalapit, abala ang mga tao sa kani-kanilang mga gawain. Mabilis siyang tumakbo. “Lolo, tulungan niyo po siya!” sigaw niya sa mga nagdaraan ngunit walang pumapansin sa kanya. Kaya siya na mismo ang tumakbo sa kalapit na tindahan at humingi ng tulong. Ilang sandali pa, dumating na ang taxi at naisakay na nila ang matanda papunta sa ospital.
Habang hinihintay sa labas, nanginginig siya sa kaba. Hindi niya kilala ang matanda pero pakiramdam niya’y kailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Maya-maya pa, lumabas na ang doktor. “Salamat sa batang ‘to,” sabi nito. “Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi na umabot sa ospital si Don Ernesto.” Ilang oras pa ang lumipas at lumapit sa kanya ang anak ng matanda. Isang babaeng desente at mabait ang mukha. “Ako nga pala si Celeste, anak ni Don Ernesto. Hindi namin alam kung papaano kang pasasalamatan.”
Napayuko si Irene. “Wala po yun, ma’am. Ginawa ko lang po ang tama.” Ngumiti si Celeste. “Kung ganon, hayaan mong pasalamatan ka namin sa tamang paraan. Kailangan mo ba ng trabaho?” Napahinto si Irene para bang biglang lumiwanag ang kanyang paligid. Sa unang pagkakataon, may taong nag-alok sa kanya ng pag-asa. Hindi kapalit ng utang na loob kundi bilang gantimpala sa kabutihang loob niya. At doon nagsimula ang bagong yugto ng buhay ni Irene. Ang yugto ng pag-asa at pagbabagong hatid ng kabutihan.
Makalipas ang ilang araw, bumalik si Irene sa ospital upang kamustahin ang matandang kanyang tinulungan. Nakaupo roon si Celeste, anak ni Don Ernesto, na agad siyang pagpasok niya. “Irene, tamang-tama at gising na si Papa. Gusto ka raw niyang makausap.” Nang pumasok siya sa silid, nakita niya si Don Ernesto. Mahina pa ngunit may ngiti sa labi. “Ikaw pala ang batang tumulong sa akin, Iha. Kung hindi dahil sa iyo, baka hindi ko na muling nasilayan ang umagang ito. Salamat, Iha.”
Namula si Irene at marahang ngumiti. “Wala po yun, lolo. Ginawa ko lang po ang dapat.” Sa labis na pasasalamat ng mag-ama, inaalok siya ni Celeste ng trabaho bilang kasambahay sa kanilang tahanan. Sa una’y nag-alinlangan siya, takot na muling makaranas ng pagmamaltrato. Ngunit nang makita niya ang kabaitan ni Celeste, tinanggap niya na ang bagay na ito.
Pagdating niya sa mansyon ng pamilya Ramirez, halos hindi siya makapaniwala. Napakalaki nito, maaliwalas at punong-puno ng katahimikan. Ang mga tao roon ay magagalang. Hindi siya tinatrato na parang alipin. “Dito ka na muna sa kwartong ito ha,” sabi ni Celeste. “Magpahinga ka na muna. Bukas na tayong mag-uusap patungkol sa trabaho mo.” Kinabukasan, nagsimula ang bagong yugto ng buhay ni Irene. Hindi siya pinipilit na magtrabaho ng lampas oras. Pinapakain siya sa habag. Tinuturing nakapamilya.
Sa unang pagkakataon, naramdaman niya kung paanong mahalin hindi bilang isang katulong, kundi bilang isang tao. Habang lumilipas ang mga buwan, napansin ni Celeste ang kasipagan at kababaang loob ni Irene. Kahit simple lamang ang kanyang mga tungkulin, ginagawa niya ito ng buong puso. Minsan ay dadatnan siya ni Celeste sa sala. Naglilinis habang binabasa ang lumang kalendaryo. Tila sinusubukang unawain ang mga letra.
“Hindi ka marunong magbasa, Irene?” tanong ni Celeste. Umiling siya, nahihiyang ngumiti. “Hindi po ako nakapag-aral. Gusto ko po sanang matuto.” “Wala ng pero, tuturuan kita.” Mula noon, tuwing gabi pagkatapos ng gawain, tinuturuan siya ni Celeste ng pagbabasa at pagsusulat. Naging mahirap sa una, pero hindi siya sumuko. Sa bawat tamang salita na mabigkas niya, napapangiti si Celeste. “Ang galing mo, Irene. Dati hindi ka marunong, ngayon nakakasulat ka na ng pangalan mo.”
Lumipas ang mga taon, si Irene na dating marumi, payat at takot sa mundo ay naging maayos na babae. Tinulungan siya ni Celeste na mag-enroll sa night school at sa araw ay tumutulong siya sa bahay hanggang sa makatapos siya ng high school. Isang bagay na akala niya pangarap lang. “Ma’am Celeste,” sabi niya minsang gabi, luhaan sa tuwa. “Hindi ko po alam kung papaano po kayo pasasalamatan.” Ngumiti si Celeste at hinawakan ang kanyang kamay. “Irene, ang kabutihan mo noon ang nagtulak sa amin para tulungan ka. Tandaan mo ito. Ang mapuputing puso hindi kailan man pinapabayaan ng langit.”
Ilang taon pa ang lumipas at dahil sa tiwala nila, si Celeste, kinuha siya nito bilang sekretarya sa kanilang kumpanya. Ang dating gusgusing batang ulila ngayon ay marangal at respetadong dalaga. At sa bawat araw na lumilipas, mas pinapatibay ni Irene ang pangako sa sarili. “Hindi ako hihinto hanggang tuluyan ko ng mapatunayan na ang kabutihan kailan man ay hindi talo.”
Sampung taon ang lumipas at si Irene ay 25 taong gulang na. Isang ganap na dalagang marangal, matalino, at may mahimbing na ganda. Sa kumpanya ni Celeste, siya ang tinitingalang sekretarya. Maayos manamit, magalang at mahusay makitungo sa lahat. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, dala pa rin niya ang puso ng mga alaala ng nakaraan. Isang gabi habang nakatingin sa bintana ng condo na tinutuluyan niya, biglang bumalik sa isip niya ang mukha ng kanyang ina at ang bahay sa Samar kung saan siya unang umiyak ng totoong luha.
“Nay,” bulong niya. “Natupad na po ang pangarap ko pero parang may kulang pa. Kailangan ko pong harapin ang nakaraan.” Ilang linggo pa ang lumipas. Nagpaalam siya kay Celeste na uuwi sa probinsya. “Kailangan ko lang pong makita kung ano na po ang kalagayan ng mga iniwan ko,” sabi niya at tumango naman si Celeste, may ngiti sa labi. “Kung yan ang magbibigay sa’yo ng kapanatagan, gawin mo, Irene. Pero tandaan mo ha, minsan hindi lahat ng sugat ay kailangan balikan.”
Bumalik si Irene sa Samar sa bus. Ang parehong biyahe na minsan ay sinakyan niyang puno ng takot at kawalang pag-asa. Ngunit ngayon, matatag na siya, marangal at mayroong layunin. Sa pagbaba niya, bumungad ang baryo na dati puno ng buhay pero ngayon ay tila napag-iwanan na ng panahon.
Ang dating bahay ni Aling Berna na bato at malaki ngayon ay halos giba na. May butas ang bubong at bitak-bitak ang dingding. Nasa labas ang isang babaeng payat, may hawak na pamaypay. Halos hindi niya makilala. Ngunit nang magsalita ito, agad niyang nakilala ang boses. “Irene,” mahina at nanginginig ang tinig ni Aling Berna. Ngayon ay matanda na at may sakit. Nlumot si Irene. Ang babaeng minsang nagpalo sa kanya at nagpagutom, ngayon ay mahina na at tila lumuluhod naman sa tadhana.
Sa loob ng bahay, nakita niyang si Alice ay payat na payat at pagod na pagod. May tatlo na itong mga anak na nakatambay sa sahid habang ang asawa nito’y walang trabaho. “Ang hirap ng buhay ngayon, Irene,” sabi ni Alice, halos umiyak. “Wala nang makulong si papa. Bumagsak ang lahat.” Napatigil si Irene. “Nakulong ang papa mo?” tanong niya, halos hindi makapaniwala. Tumango si Alice, umiwas ng tingin. “Nahuli dahil sa droga at may mga kaso ng pambabastos. Hindi na siya lumabas mula noon.”
Tahimik lamang si Irene, tila may kirot sa kanyang puso. Pero hindi na yun galit kundi awa na lamang. Sa loob-loob niya, parang may tinig na bumubulong. “Irene, hindi mo kailangang maghikanti. Ang hustisya ng langit ay dumating na.” Nang gabing iyon, habang naglalakad siya pabalik sa tinutuluyang bahay ng dating kapitbahay, inilabas niya ang sobra ng pera na dala niya. “Pakiabot na lamang po ito kay Tiya Berna para sa gamot niya at sa mga bata,” sabi niya sa matandang kapitbahay.
“Galing kanino to, Irene?” tanong nito. Ngumiti siya ng mahina. “Sabihin mo na lamang po galing sa batang minsang nilang itinuring na walang kwenta.” Paglayo niya sa lumang bahay, pinunasan niya ang luha sa mga mata. Hindi niya na kailangang ipamukha ang tagumpay niya sapagkat nakita niya na mismo sa kanyang mga mata ang bunga ng kabutihan at ang ganti ng tadhana sa mga nanakit sa kanya. Sa kanyang puso, tuluyan na ngang naglaho ang galit.
Kinabukasan, maagang naglakad si Irene papuntang simbahan ng baryo. Tahimik ang paligid at sa bawat hakbang niya sa lumang kalsada, naririnig niya ang mga alaala ng kanyang kabataan. Ang sigaw ni Aling Berna, ang tawa ni Alice, at ang mga gabing ginugol niya sa pag-iyak sa dilim. Ngunit ngayon, hindi naiyak ng kawalan ang nararamdaman niya kundi luha ng kalayaan. Lumuot siya sa harap ng altar at ipinikit ang mga mata.
“Panginoon,” mahinang bulong niya. “Salamat po. Hindi ko man naranasan noon ang pagmamahal ng pamilya, binigyan niyo pa rin po ako ng mga taong pumuno ng kakulangan ko. Salamat kila Ma’am Celeste at Don Ernesto. At higit po sa lahat, salamat sa lakas ng loob na ibinigay niyo po sa akin.”
Habang nananalangin, pumasok sa simbahan ang isang matandang babae. Nakayuko ito at mabagal ang hakbang. Si Aling Berna. Umiika-ikang naupo ito sa likod. Hindi niya napansin si Irene. Nakatitig lamang si Irene sa kanya. At sa sandaling iyon, ramdam niyang tuluyan ng natunaw ang lahat ng galit na itinago niya sa loob ng maraming taon. Gusto sana niyang lapitan pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Hindi na kailangan sapagkat sa puso niya, napatawad niya na ito.
Ang tanging hangarin niya ngayon ay makapagpatuloy ng tahimik dala ang kabutihang itinuro sa kanya ng ina at maging ng mga kasama niya ngayon. Pagkatapos ng misa, lumabas siya ng simbahan, huminga ng malalim at tumingin sa langit. Sa isip niya, narinig niya ang tinig ng kanyang ina. “Anak, mabuti ka pa rin hanggang sa huli.” Ngumiti siya at napayakap sa kanyang sarili, tila nayayakap ang mga sugat ng kanyang nakaraan na ngayon ay tuluyan na ngang naghihilom.
Pagbalik niya sa Maynila, sinalubong siya ni Ma’am Celeste sa opisina. “Irene, kamusta ang uwi mo?” tanong nito, puno ng pag-aalala. Ngumiti siya, payapa ang mukha. “Ayos lang po, ma’am. Sa totoo lang po, parang ngayon ko lang po tuluyang nahanap ang sarili ko.” “Anong ibig mong sabihin, Irene?” tanong ni Celeste. “Dati po, gusto kong maghiganti. Gusto ko pong ipamukha sa kanila kung gaano na ako ngayon ka-successful. Pero nang makita ko ang kalagayan nila, na-realize ko po na hindi ko kailangang gawin iyon. Ang tadhana ang gumawa ng paraan. Ang mahalaga po ay nakapagpatawad ako.”
Ngumiti si Celeste, halatang proud sa kanya. “Tama ka, Irene. Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa kayamanan o sa posisyon kundi sa kakayahan nating maging maputi kahit nasaktan na tayo noon.” Mula noon, iginugol ni Irene ang kanyang oras sa pagtulong sa iba. Nagpatayo siya ng maliit na foundation para sa mga batang ulila at mga inabusong katulong. Tinawag niya itong “Bahay ni Rosa” bilang parangal sa kanyang ina.
Tuwing makakakita siya ng batang umiiyak sa kalsada, nakikita niya ang kanyang sarili noon. Ngunit ngayon, siya na ang nagbibigay ng pag-asa. Makalipas ang ilang buwan, nakarating kay Aling Berna ang balita. Si Irene, ang batang dating inaapi, ay isa na ngayong matagumpay at kilalang babae sa Maynila. Napaiyak ang matanda sa pagsisisi. “Irene, patawarin mo sana ako.” Ngunit alam niyang hindi na kailangang marinig iyon ni Irene dahil matagal na niya itong pinatawad.
At doon nagtapos ang kwento ng batang ulila na minsang hinamak ngunit bumangon ng marangal. Lumipas pa ang ilang taon at si Irene ay patuloy na namuhay ng marangal at payapa. Sa tatlumpung taon niya rito sa mundo, isa na siyang kinikilalang social worker at tagapagtatag ng “Bahay ni Rosa Foundation,” isang kanlungan para sa mga batang ulila na inabuso o pinabayaan ng kanilang mga pamilya. Araw-araw ay dumadayo ang mga batang galing sa iba’t ibang lugar. May mga katulad niya na inapi, ginutom at pinabayaan.
Tuwing may bagong bata na dumarating, personal siyang humaharap. Tinatapik ang balikat at ngumingiti. “Wala ka nang iisipin. Ligtas ka na rito ha.” Sabi niya, parehong mga salitang minsan ay gusto niyang marinig ng batang si Irene noon. Isang hapon, habang nag-aayos ng mga dokumento, lumapit sa kanya ang isang batang alaga niya, si Rina, ang walong taong gulang. Mapayat at takot pa rin sa mundo. “Ate Irene,” mahina nitong sabi. “Totoo po bang dati kayong katulong?”
Natawa si Irene, hindi sa pangungutya kundi sa kabigatan ng tono. “Oo, Rina. At hindi lang basta katulong. Inapi rin ako pero alam mo, hindi daw nagtapos ang kwento ko. Yun pa lamang ang simula.” Napangiti ang bata. “Kaya ko rin po kaya yun?” “Mas kaya mo,” tugon ni Irene sabay yakap sa bata. Habang yakap niya ito, naramdaman niyang parang nayayakap niya ang sarili niyang pagkabata noon—takot, sugatan, at puno ng pag-asa.
Ngayon, siya na ang santinan ng mga tulad niya. Minsan sa gabi sa kanyang opisina, hinahayaan niyang tangayin siya ng hangin mula sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang mga ilaw ng Maynila. Simbolo ng mga pangarap na dati parang langit lamang. Sa tabi ng kanyang mesa, may lumang larawan ng kanyang ina, si Rosa, naka-frame sa isang simpleng kahoy. “Nay,” bulong niya. “Sana nakikita mo po ako ngayon. Hindi ko man po naranasan ang pagmamahal mo ng matagal, pero ikaw ang dahilan kung bakit po ako lumalaban. Salamat po.”
Isang araw, nakatanggap siya ng sulat. Ang sulat ay galing sa Samar mula kay Alice, ang dati niyang pinsan na minsang nanakit sa kanya. “Patawad, Irene,” sulat nito. “Hindi ko alam noon kung gaano kita nasaktan, pero ngayon gusto kong itama ang pagkakamali ko. Salamat sa tulong na ipinadala mo sa amin. Hindi mo man sinabi, pero alam kong galing yun sa’yo. Sana balang araw ay mapatawad mo ako.” Napaluha si Irene. Ngunit hindi na yun luha ng pait. Luha na iyon ng pag-unawa. “Matagal na kitang napatawad, Alice,” bulong niya habang nakatingin sa langit. “Hindi ko kailangang marinig ang sorry mo. Sapat ng alam kong nagbago ka na.”
Mula noon, ipinagpatuloy ni Irene ang kanyang misyon sa buhay. Tumulong, magmahal, at magpatawad. Ang batang dating itinuturing na walang kwenta ngayon ay naging liwanag sa iba.
News
(FINAL: PART 3) Akala Niya Karaniwang Lola Lang Ito!! Arroganteng Pulis Napahamak Dahil Sa Pagtapang Nito!!
PART 3: ANG PAGBABAGO AT ANG HINAHARAP Kabanata 18: Ang Pagsisimula ng Bagong Yunit Ilang linggo matapos ang insidente, ang…
(FINAL: PART 3) Bilyunaryo Pinakasal sa Dalagang Magsasaka ang Anak niya, Pero…
Part 3: Ang Pagsubok, Pagbabago, at Tagumpay Isang Bagong Simula Makalipas ang ilang linggo mula sa paglilibing kay Don Armando,…
(FINAL: PART 3) “PHILIPPINES ANG PINAKAMAINAM! PAGBUKAS NG CCTV, NAGULAT ANG MAG ASAWA SA PAGBABAGO NG ANAK ”
Part 3: Ang Pagpapatuloy ng Laban Ang Bagong Pagsubok Habang patuloy na umuunlad ang bayan, isang bagong pagsubok ang dumating….
Ina – Binastos ng Siga – ‘Di Nila Alam Isa Pala Siyang Scout Ranger.
Ina – Binastos ng Siga – ‘Di Nila Alam Isa Pala Siyang Scout Ranger. . Part 1: Ang Laban ni…
NAKU PO?! PINSAN NG 1 SENADOR NA DAWIT SA FLOOD CONTROL TUMAKAW NA DAW?!
NAKU PO?! PINSAN NG 1 SENADOR NA DAWIT SA FLOOD CONTROL TUMAKAW NA DAW?! . Sa isang mainit na hapon…
JANITOR, INIMBITAHAN SA FAMILY REUNION NG ASAWA PARA IPAHIYA LANGGULAT SILANG LAHAT, NANG…
PART 1: ANG LIHIM SA LIKOD NG WALIS KABANATA 1: ANG SIMULA NG PAGPAPAKUMBABA Maagang gumigising si Manuel tuwing umaga….
End of content
No more pages to load






